Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

Ways to Get Rid of Bacne

Ano ang Bacne?

Ang salitang “Bacne” ay hindi makikita sa diksyunaryo. Ito ay nagre-refer sa back acne, ang acne na tumutubo sa ating likod. Ang ating likod ay malaking bahagi ng ating balat kung saan nagse-secrete rin ng oil at nagka-clog ito dahil hindi naman natin kayang linisin ang likod.

Ang back acne ay maaaring makuha sa init at pawis na nakukulob sa katawan. Kapag ito ay napabayaan ay maaaring lumala na pwedeng maging cysts. Subalit kung ito ay mapapagtuunan ng pansin, maraming panlunas na available sa drug store. Mabuti rin na sumangguni sa isang dermatologist upang malaman ang tamang gamot.

How to Get Rid of Bacne Fast: 11 Steps to Clearing Back Acne for Good

Kahit na sino ay maiirita kung sila ay may bacne. Kaya narito ang ilang tips upang malinis ang inyong balat sa bacne.

1. Exfoliate Regularly

Ang likod ay maraming sebaceous (oil producing) glands kesa sa ibang parte ng ating katawan, kung saan nagpo-produce ito ng natural oil kaya nagde-develop ng body acne sa lugar na ito. Ang pag-e-exfoliate ay importante sa ating skin cell upang maiwasan ang paglala nito.

2. Wear Clothing that Breathes

Kapag ikaw ay pawisin, mas lalo kang prone sa acne kaya importante na laging kumportable ang iyong suot upang maiwasan ang nakadikit na tela sa iyong balat. May ilang tela naman na okey rin isuot dahil nag-a-absorb ito ng pawis, pero may mga klase rin ng tela na mainit sa katawan na nagdudulot ng pagpapawis ng may suot. Ang light colors at cotton ay mabuti especially sa workouts.

3. Spot Treat Bacne

Tulad ng acne sa mukha, makikita mo rin ang parteng may acne sa inyong likod. Ang sulfur masks ay mabuting treatment sa bacne.

4. Use an Acne Spray to Hit Weird Angles on Your Back

Kung nahihirapan abutin ang parteng may acne, maaari rin gumamit ng spray na may angle upang maabot ang parteng apektado. Ang the best ay humingi ng tulong upang siya ang mag-spray.

5. Try Cleansing Pads

Minsan kahit maghilamos o maligo na, ang dumi ay hindi pa rin naaalis. Maaaring gumamit ng pads para siguraduhing matanggal ang natirang dumi sa balat. May mga pads na may salicylic acid para maiwasan ang breakouts.

6. Shower Right After Working Out

Kung mahilig mag-work out o outdoor jogging, kapag pinagpawisan, prone ka na sa acne. Mas mabuting after any exercise ay mag-shower para matanggal ang pawis na maaaring pagmulan ng pagkairita ng balat na siyang magka-clog ng pores sa likod.

7. Use Specially Formulated Cleansers

Iba’t ibang cleanser ang mabibili na over the counter, piliin ang nararapat sa inyong balat. Maaari rin sumangguni sa dermatologist upang malaman kung ano ang dapat na gamitin. May ilan kasing pwedeng mag-cause ng iritasyon sa balat dahil may contents na nakakapag-allergy.

8. Use a Cleansing Brush

Sa katotohanan, mahirap talagang linising mabuti ang likod. Ngunit, naglalabas na rin ang ilang kumpanya ng klase ng brush kung saan nag-e-extend ito hanggang likod para maging mas madali na maabot ang likod.

9. Don’t Let Conditioner Sit on Your Back

Kapag maglalagay na ng conditioner, iwasan na ang buhok na may conditioner ay nakababad sa likod natin. I-clip ito para nakataas at hindi nakababad sa likod natin. At kapag huhugasan na ay siguruhing mahugasan ng maigi pati likod para walang maiwang madulas na conditioner sa likod.

10. Don’t Pick

Ugali na natin na kapag may nakitang parang pimple o acne sa mukha natin o kahit saang parte ng balat natin ay pinipisa natin. Mali ito dahil mag-iiwan lamang ng marka sa ating balat.

11. Wash Your Sheets and Workout Gear Regularly

Ang tao ay mas nagiging prone sa pagkakaroon ng acne kung hindi lilinisin ang katawan bago matulog dahil maiiwan sa sheets ang dumi at pawis ng katawan at sa susunod na araw, kahit maligo ka pa ay naroon na yung dumi. Ugaliing labhan ang kumot madalas at maglinis ng katawan bago matulog.