Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Rainy Indoor Exercises

Bawat isa sa atin ay nangangarap na mabuhay nang mas matagal. Pero sa paanong paraan natin mapapapanatili ang ating youthful look o masiglang pangangatawan? Sa panahon ngayon ay marami nang mas conscious sa kalusugan, kabataan man o matatanda. Sa umaga pa lang ay marami ka nang makikitang nagja-jogging o nagbi-brisk walking sa labas ng tahanan. Minsan may makikita kang grupo ng mga senior citizen na nasa umpukan at nag-e-aerobics, o nagta-tai chi.

Hindi lahat ng araw ay maganda ang panahon, may mga time na kapag umuulan ay hindi nakakalabas ang mga gustong mag-exercise. May mga gym na pwedeng puntahan o kung pagiging praktikal ang pag-uusapan ay pwedeng sa bahay ka na rin mag-exercise. Maraming paraan upang mapanatili ang ating kalusugan.

Radio exercise

Ang exercise routine sa umaga ay hindi na bago sa Japan. Ang klase ng exercise na ito ay popular hindi lamang sa Japan kundi maging sa kalapit bansa tulad ng China at Taiwan. Tinawag nila itong “Rajio Taiso.” Galing sa dalawang salitang “Rajio” meaning radio sa Japanese at ang word na “Taisou” meaning physical exercise sa Japanese.

Ipinakilala sa buong Japan ang “Rajio Taisou” noong 1928. Ginagamit nila ang radio upang i-broadcast ang morning exercise para ma-improve ang kalusugan ng mga sundalo noong panahon ng digmaan. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring tinatangakilik ang Rajio Taiso sa buong Japan. Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Rajio Taiso, narito ang link:

http://guidable.co/move_to_japan/6-amazing-facts-about-radio-exercise-in-japan/

Yoga

Ang Japanese yoga, also known as shin-shin-toitsu-do, ay isang klase o programa ng pag-e-ehersisyo na nag-e-emphasize sa paggamot sa sarili sa pamamagitan ng isang positibong technique. Ito ay may kahalong meditation, breathing at stretching exercise. Pinapalakas nito ang ating buong katawan at kaisipan at pinapalis ang negatibong kaisipan tungo sa mas malusog na pananaw sa buhay. Ang negatibong pag-iisip, kung hindi alam ng ilan, ay nagdudulot ng panghihina ng kalusugan. Dito nakakatulong ang yoga meditation technique. Narito ang link na nais naming i-share para sa inyong karagdagang kaalaman: https://www.yogajournal.com/lifestyle/count-yoga-38-ways-yoga-keeps-fit

Zumba

Makabagong paraan upang mabawasan ang timbang na popular hindi lamang sa kabataan kundi maging sa may mga edad na nag-enjoy sa pag-indak ng katawan. Ang Zumba ay isang aerobic fitness program na ang musika, galaw at estilo ay halaw sa Latin American dance. Layon nito ang mapagalaw ang buong katawan at para pagpawisan at makabawas ng timbang at syempre nag-e-enjoy din ang mga participants. Ang ibang pang karagdagang kaalam ukol sa Zumba ay makikita sa link na ito: https://www.livestrong.com/article/68324-zumba-workout-benefits/

Kickboxing

May mga workout na minsan ay boring dahil ginagawa ang parehong routine na nakakasawa na rin dahil walang nararamdamang challenge. May mga taong mas feel yung rigid workout tulad ng kickboxing. Hindi lamang para sa mga kalalakihan ang kickboxing exercise kundi maging ang mga kababaihan ay nagugustuhan na rin ito. Ito ay isang klase ng high-energy exercise na kumbinasyon ng martial art techniques na may kasamang cardio exercise. Ito ay total body workout na nagugustuhan ng lahat dahil nakakapagbawas ng timbang sa mabilis na paraan. Para sa link at karagdagang impormasyon at benepisyo ng kickboxing, narito ang link: http://www.australianunity.com.au/health-insurance/existing-members/wellplan-online/general-health/benefits-of-kickboxing-workouts

Public Gym sa Tokyo

Dahil sa pagiging health buff at figure conscious ng mga Japanese, maraming naglitawang public gym sa Tokyo para mapuntahan ng mga health enthusiast. Nagtayo ng public gym upang makatulong sa mga taong hindi naman kaya ang long membership fees at contract sa ilang pribadong gym na nag-o-offer ng makabagong facility at technique na may kasama pang fitness instructors. Ang public gym ay para sa lahat. Para sa mga karagdagan impormasyon: https://www.timeout.com/tokyo/sport-and-fitness/the-best-spots-for-working-out-on-the-heap-in-tokyo