Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Summer Fruit Picking

Mayroong apat na seasons ang Japan – autumn, winter, spring at summer. At bawat panahon ay may hatid na fruit-picking experience para sa mga tao. Ngayong tag-init, iba’t ibang orchards sa bansa ang maaaring dayuhin para sa masayang fruit picking kasama ang pamilya at mga kaibigan. Sa fixed amount na babayaran ay mae-enjoy ang masasarap na prutas kung saan ang iba ay tinitimbang, makakain ng bawat piraso o kaya naman ay all-you-can-eat depende sa prutas.

Narito ang ilan sa mga popular na prutas ngayong tag-init:

1. Cherries

Ito ay popular na summer fruit lalo tuwing buwan ng Hunyo hanggang simula ng Hulyo. Ilan sa mga rehiyon na pamoso sa produksyon nito ang Yamanashi at Yamagata. Sa Nakagomi Orchard, mae-enjoy ang cherry picking kahit na tag-ulan dahil ang mga cherry trees ay nasa loob ng mga green houses.

Maraming benepisyo ang makukuha sa pagkain ng cherries lalo na sa balat at buhok. May taglay itong vitamins A, B, C at E kaya naman ang pagkain nito ay sapat para sa multivitamin dosage na kailangan ng katawan para maging masigla ang balat. Nakakatulong din ito para mabawasan ang mga dark spots sa katawan. Dahil sa mataas na antay ng anti-oxidants na taglay nito, nakakatulong din ito sa pagbagal ng ageing process. Maiiwasan naman ang dryness ng buhok at anit sa pamamagitan ng pagkain nito dahil sa taglay na vitamin A. Nakakatulong din ito sa produksyon ng retinoic acid na mahalaga para sa hair follicles. Ang vitamin E naman nito ay nakakatulong para sa maayos na sirkulasyon ng dugo para maiwasan ang pagkasira ng dugo.

Website: http://nakagominouen.com/en/

2. Melon

Kung nasa Aichi-ken, maaaring sadyain ang Gamagori Orange Park para sa enjoyable melon picking experience. Popular dito ang all-you-can-eat melon plan at three-type melon food tasting plan tuwing tag-init. Madaling mapuno ang slots dito kaya naman mas mainam na magpa-reserve nang maaga.

Mainam ang pagkain ng melon lalo na kung may digestive problems dahil sa mataas na content ng tubig na taglay nito. Kung nagbabawas ng timbang, mainam din itong kainin dahil sa mababang sodium at calories na meron ito. Fat and cholesterol free rin ito. May taglay din itong moisturizing at energizing properties. Makakagawa ng moisturizing face mask sa pamamagitan nang paghalo ng cucumber sa honeydew melon. Good source rin ng beta carotene ang melon na nagiging vitamin A pagpasok sa katawan ng tao. Mahalaga ito para mapanatiling masigla ang buhok.

Website: https://the-way-of-japan.com/fruits/en/2017/07/18/459/

3. Blueberries

Sa Shinyuji Blueberry Garden sa Chiba-ken ay nagku-cultivate ng iba’t ibang klase ng blueberries na maaaring pitasin at bilhin ng mga bisita. Magsisimula ang blueberry picking rito ngayong Hunyo.

Mainam ang blueberries laban sa acne dahil sa mataas na concentration ng salicylates na asin ng salicylic acid na taglay nito. Ginagamit ito bilang topical acne treatment. Maiiwasan din ang premature graying ng buhok na dulot ng Vitamin B12 deficiency na nagiging dahilan ng pernicious anemia kung saan sintomas ang gray hair. Good source ng Vitamin B12 ang blueberries. Para naman sa mga taong may mataas na cholesterol, ang pagkain ng blueberries ay makakatulong para ito ay mapababa dahil sa taglay nitong compound na tinatawag na pterostilbene.

Website: http://blueberry.okoshi-yasu.com/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *