Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Vigan Chicken Pipian

Sangkap:
  • 1½ kg chicken legs at thighs
  • 1 tasang bigas, toasted at durugin ng pino
  • 3 tasang chicken stock
  • 3 tasang tubig
  • 1 tbsp annatto powder
  • 1 lemongrass bulb (tanglad)
  • 1 40g sinigang mix
  • 1 kutsaritang dried coriander
  • 1 kutsaritang dried oregano
  • 1 pack spinach leaves
  • 1 sibuyas, hiwaing maninipis
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 maliit na luya, pitpitin at hiwaing maliit
  • patis
  • mantika
Paraan:
  1. Sa isang malaking kaserola, igisa ang piraso ng manok sa mantika at hayaang magkulay brown, hanguin at itabi.
  2. Idagdag ang bawang, sibuyas at luya. Igisa hanggang malanghap ang mabangong aroma ng pinagsamang sangkap.
  3. Pagsamahin ang tubig, chicken stock at annatto powder, haluing maigi hanggang maalis ang buo-buong powder. Ibuhos sa kaserola kasama ang dried coriander, dried oregano, lemongrass bulb at ang tostadong bigas. Pakuluin at haluin para maiwasang dumikit ang bigas sa ilalim ng kaserola. Habang kumukulo ay ibalik ang chicken at hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto, haluin at magdagdag ng tubig kung kinakailangan para hindi masyadong malapot.
  4. Idagdag ang  sinigang mix at alisin ang lemongrass, pakuluin sa karagdagang 10 minuto o hanggang ang chicken ay maluto. Lasahan ng patis at idagdag ang dahon ng spinach, haluin at patayin ang apoy at ihain.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *