Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Vietnamese Style Grilled Lemongrass Pork

Sangkap
  • 800g Pork Shoulder, hiwain ng 1/2 inch na kapal ang bawat piraso
  • 6 pirasong bawang
  • 2 pirasong murang sibuyas (shallots), tadtarin
  • 2 tangkay ng lemongrass (puting parte lamang )
  • 1 kutsarang toyo
  • ¼ tasang patis (fish sauce)
  • 3 kutsarang mantika
  • paminta
  • ½ tasang honey
Paraan
  1. Ilagay ang bawang, sibuyas,lemongrass, toyo, patis, mantika at paminta sa food processor, i-process ito hanggang maging hitsurang paste.
  2. Ilagay ang hiniwang piraso ng baboy sa isang malukong na mangkok o mixing bowl at ilagay ilagay ang marinade maix, balutin ang kabuuan ng mg apiraso ng pork at takpan ang mangkok. I-marinada sa loob ng 24 oras.
  3. Alisin sa ref 2 oras bago ito iluto. Ihawin ang magkabila side ng mga mga piraso ng pork sa katamtamang init ng ihawan ( tig-3-4 na minuto bawat side).
  4. Hanguin mula sa ihawan at ilubog sa honey. Ibalik sa ihawan sa karagdagang 2 minuto bawat side ng baboy at saka hanguin mula sa ihawan.
  5. Ihain habang mainit.