Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Coffin Bread

Ang Coffin Bread ay isang klase ng bread bowl soup kung saan ang tinapay ay hugis ataul na deep fried at saka nilagyan ng western -inspired chowder.

Sangkap

Coffin Bread

  • 1 buong puting loaf ng tinapay na hindi hiwa
  • butter, tinunaw
  • Chowder
  • 1 maliit na (pecho) chicken breast, hiwain ng manipis
  • 12-15 pirasong hipon, alisn ang balat at ugat
  • 2 pirasong katamtamang laki ng pusit, linisin at hiwain
  • 1 tasang straw mushrooms, hiwain sa gitna
  • ½ tasang corn kernels
  • 1/3 tasang hiniwang pakuwadradong carrots
  • 1/3 tasang peas
  • 1 tangkay ng celery, hiwain
  • 2 pirasong streaky bacon, tadtarin
  • 50 g butter
  • ½ tasang cream
  • 500 ml sabaw ng seafood (stock)
  • 3 kutsarang harina
  • 1 maliit na sibuyas, tadtarin
  • 1 kutsaritang nutmeg
  • paminta
  • asin
  • mantika
Paraan:

Coffin Bread

  1. Hiwain ang isang buong loaf ng 5 cm na kapal bawat hiwa.
  2. Punasan o i-brush ng butter ang magkabilang side ng tinapay at i-bake sa pinainit na 180C na oven hanggang magkulay golden brown at medyo malutong.
  3. Alisin ang tinapay mula sa oven at itabi.
  4. Kapag medyo lumamig na ang tinapay, maglagay ng opening o hiwa ng pakuwadrado sa gitna pero huwag bubutasan. itabi ito.

Chowder

  1. Sa sauce pan, ilagay ang bacon at konting mantika, iluto hanggang maging golden brown at alisin sa pan at itabi ang bacon.
  2. Idagdag ang manok at lutuin sa loob ng 3 minuto, hanguin at itabi.
  3. Igisa ang sibuyas at celery.
  4. Dahan-dahan idagdag ang harina at haluin hanggang mamuo ito.
  5. Dahan-dahang ibuhos ang seafood stock at haluin hanggang maalis ang mga buo-buong harina at kuminis ito.
  6. Ilagay ang manok, carrots, corn at nutmeg. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto.
  7. Idagdag ang peas, hipon, pusit at cream, pakuluin at hayaang kumulo sa karagdagang 4-5 minuto o hanggang sa maluto.
  8. Lasahan ng asin at paminta.
  9. Ilagay ang katamtamang dami ng chowder sa gitna ng hiniwang tinapay at ihain.