Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Mixed Vegetables in Claypot with Squid

Sangkap:

Vegetables

  • 2 tasang cauliflower florets
  • 2 tasang broccoli florets
  • 8 pirasong tuyong shiitake mushrooms
  • 1 bungkos ng choy sum
  • 1 malaking pinatuyong squid
  • 4 slices luya (ginger)
  • 1 kutsarang Chinese cooking wine
  • 2 tasang kumukulong tubig
  • asin
  • mantika

Sauce

  • 2 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 sibuyas namura, tadtarin
  • 1 kutsarang oil
  • 1 kutsaritang asukal
  • 1 kutsaritang cornstarch + 1 kutsarang tubig
  • 1½ tasang tubig mula sa pinagbabaran ng mushrooms at squid
  • asin
Paraan:
  1. Sa mangkok, ilagay ang pinatuyong mushroom at pusit (squid) sa kumukulong tubig. Takpan ang mangkok para manatiling nakalubog ang pusit at mushroom. Hayaang nakalubog sa loob ng 30 minuto.
  2. Hiwain ang pusit at mushroom, pigain ang natitirang tubig mula sa mushroom at itabi ito.
  3. Ihanda ang sauce, painitin ang mantika sa saucepan o palayok (clay pot). Ilagay ang bawang at murang sibuyas at igisa hanggang humalimuyak.
  4. Idagdag ang pusit at mushroom at ituloy ang paggisa sa loob ng 2 minuto.
  5. Ihalo ang tubig na pinagbabaran ng mushroom at pusit at pakuluin hanggang mabawasan ang sabaw. Idagdag ang oyster sauce at asukal, lasahan ng asin at ng mix. Hayaang kumulo sa mababang apoy.
  6. Sa kawali, maglagay ng mantika at igisa ang luya.
  7. Ilagay ang cauliflower at broccoli, ilagay ang Chinese cooking wine at mag-sprinkle ng kaunting tubig para manatling moist o basa. Takpan at hayaang maluto.
  8. Idagdag ang choy sum at iluto sa karagdagang 1 minuto. Patayin ang apoy at itabi habang nakatakip upang makulob ang mga gulay. Sa ganitong punto, ang mga gulay ay halos tama na ang pagkaluto.
  9. Balik sa sarsa, painitin ang saucepan. Paghaluin ang 1 kutsaritang cornstarch at 1 kutsarang tubig, ihalo ito sa sauce para lumapot. Idagdag ang mga gulay sa palayok , haluin para mabalutan ang gulay. Patayin ang apoy. Takpan ang palayok at hayaang ang init at moist ang magpatuloy sa pagluto sa mga gulay.