Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Vhong at Ogie, naghatid ng saya at katatawanan sa umano gabi ng “It’s Showtime’s It’s Sharetime” para sa mga biktima ng Odette

Pinangunahan nina Vhong Navarro at Ogie Alcasid ang pagbibigay aliw at katatawanan sa unang araw ng “It’s Showtime’s It’s Sharetime” nitong Huwebes (Marso 10) sa pagpapatuloy ng isang daang araw na fund-raising drive ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Samahan ang “It’s Showtime” family sa sampung araw nilang fund-raising campaign at tangkilikin din tulad ng matagumpay na finale ng”Kapamilya Family Date Nights” noong Miyerkules (Marso 9) kung saan nakalikom ang mga bituin ng “MMK” at “Viral Scandal” ng halos P1.4 milyon para sa mga biktima ng Bagyong Odette, kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng “MMK.”

Natulog ng nakangiti ang mga manonood noong Huwebes (Marso 10) dahil sa kwelang tandem nina Vhong at Ogie. Sa una nilang challenge na “Gaya Gaya G,” rine-enact nila ang ilang scenes sa mga pelikulang “My Ex and Whys,” “Paano Na Kaya,” at “Paano Kita Iibigin” na may twist. Mas umingay pa ang comment section nang salitan silang nagtranslate ng kanta mula sa Ingles patungo sa Tagalog.

“Maraming Salamat sa oras na ibinigay niyo na makasama kami ni Kuya Ogie pati si Ate Reg. Dahil itong ginagawa namin ay hindi po para sa amin, ito po ay tulong namin para sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette,” sabi ni Vhong.

Hindi lang silang dalawa ang nagpasaya sa madlang pipol dahil sinamahan din sila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na sumayaw ng “Boom Shakalaka” at kumanta kasama ng kanyang asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *