Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Charo, KathNiel, at iba pang Kapamilya teleserye stars, sanib-pwersa para sa mga biktima ng bagyong Odette

Nagpatikim sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng kanilang inaabangang serye na “2 Good 2 Be True” pagkatapos nilang maglabas ng behind-the-scenes na mga litrato at ibahagi ang ilang mga detalye tungkol sa kanilang mga karakter.

Ayon kay Daniel, gagampanan niya rito si Eloi, isang masipag na mekaniko at law student. Dahil sa isang mahalagang misyon, makikilala ni Eloi ang isang madiskarteng nurse na si Ali, na ginagampanan naman ni Kathryn.

Ibinahagi ito ng KathNiel sa “Kapamilya Family Date Nights” benefit series, ang pagpapatuloy ng 100 araw na fundraising na “Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan Sa Pagtutulungan” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation. Bukod sa KathNiel, inaabangan din ang MMK host na si Charo Santos at iba pang Kapamilya stars mula sa iba’t ibang programang napapanood ngayon at paparating sa primetime upang magbigay ng good vibes habang tumutulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Sa mga gustong makatulong, maaaring mag-avail ng Tulong Vouchers sa Lazada at Shopee para sa karagdagang home repair kits sa mga naapektuhang pamilya.

Para sa iba pang impormasyon at paraan sa pag-donate, pumunta lang sa foundation.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN Foundation sa Facebook, Twitter, at Instagram accounts nito.

Ang kampanyang ito ay napapaloob ng DSWD Authority/Solicitation Permit ng ABS-CBN Foundation na DSWD-SB-SP-00026-21, valid nationwide hanggang Mayo 28,2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *