Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Face Mask, hindi pa pwedeng alisin

Kahit nasa alert level 1 na sa buong Metro Manila at karatig lugar nito ay hindi pa rin pumapayag ang administrasyong Duterte na alisin ang pagsusuot ng face mask.

Ang dahilan ay hindi pa ring lubusang masasabing ligtas ang Pilipinas sa mga bagong variant na naglalabasan sa ibang bansa tulad ng sa Israel.  May bagong variant ng covid ang kasalukuyang nananalasa sa bansang Israel,  at ito ay strain o kombinasyon ng 2 sub variant ng Omicron na BA.1. at .BA.2.

Ayon pa sa Pangulong Duterte, mas mabuting laging handa ang Pilipinas sa kung anumang mga bagong variant ang maglalabasan dahil hindi pa naman talaga tapos ang pandemya.  Hinihintay pa rin ang anunsiyo ng WHO at CDC kung ang covid ay magiging endemic na lamang.  Pero sa ngayon ay mas mabuti ika niya, na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask para na rin sa safety ng bawat Pilipino.