Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Vehnee A. Saturno – The Man Behind The Songs

Dekada ‘70, ang panahon ng makabagong music sa Pilipinas na nagsimula bilang Manila
Sound hanggang sa makuha ang atensyon ng music market at eventually ay tinawag
na Original Pilipino Music, Pinoy Rock, Pinoy Jazz at Pinoy Alternative.

Maririning mo na pumapaimbulog sa airwaves ang mga awiting Pinoy na may halong modernized music.  Ang mga kabataan ng panahon iyon, kapag sinabi mong awiting Tagalog, ang nasa isip nila ay mga makaluma at kundiman.  Pero taong 1970 hanggang sa kasalukuyan ay napukaw ang atensyon ng music listeners sa pamamagitan ng mga mas makabagong tunog na umaayon sa henerasyon noong 70’s at hanggang sa kasalukuyan. Nagmula sa Manila Sound hanggang sa mas makabagong tunog ng musika na ngayo’y kinagigiliwan na nang music listeners.

Mula sa rock, love song, pop, ballads at iba pa.  Ang evolution ng ating musika mula sa kundiman hanggang sa makabagong genre ay utang natin sa ating mga kompositor na walang sawang gumawa ng orihinal na awitin at musika para ihandog sa ating mga Pinoy.

Ang mga pamosong awitin na matatawag na nating classic tulad ng Be My Lady (Martin Nievera), Mr. Kupido (Rachelle Alejandro), Forever’s Not Enough (Sarah Geronimo), Till My Heartaches End (Ella Mae Saison), Mula Sa Puso (Jude Michael), at marami pang iba. Ang kompositor sa likod ng mga paborito nyong awitin ay walang iba kundi ang multi-awarded songwriter na si Vehnee Saturno.

Isang karangalan ng Philippine Digest magazine ang makapanayam ang isa sa nirerespetong haligi ng Original Pilipino Music, si Vehnee Saturno na sa loob ng 4 na dekada ay maraming naiambag sa ating musicworld. 

Philippine Digest:

Kailan at paano po kayo nag-umpisang mag-compose?

Mr. Vehnee:

During my high school days early 70’s but not serious.

Philippine Digest:

Sino po ang maituturing mong nagbigay-inspirasyon sa iyo para mag-compose?

Mr. Vehnee:

Hilig siguro at dala ng kahirapan. 10 kaming magkakapatid at ako ang panganay.

Philippine Digest:

Ano ang pagkakaiba ng musika at mga komposisyon mo noong nagu-umpisa ka pa lang sa industriya?

Mr. Vehnee:

Malaking factor ang music na naririnig mo pag ika’y nag-uumpisa. S’yempre, maiinfluence ka, but you have to find your own sound at ‘yon ang ginawa ko kaya may sarili akong tunog ng songwriting.

Philippine Digest:

At sa panahon ng matatawag nating henerasyon ng mga millennials?

Mr. Vehnee:

Dapat maka adjust lagi sa present generation, di ka mang gagaya but you have to find your songwriting na bagay sa millennials.

Philippine Digest:

Kadalasan, ang composers ay may mga paboritong artist na gusto nilang kantahin ang kanilang musika, sa listahan ng mga mang-aawit sa Pilipinas, sinu-sino ang pinaka-gusto mong umaawit ng iyong mga composition?

Mr. Vehnee:

No one in particular, but I like the voice of Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jaya, Morissette Amon, Kz Tandingan, JayR and Kris Lawrence at marami pa! I worked with them kasi.

Philippine Digest:

Kayo po ay maituturing na kinikilala at isa sa mahuhusay na composers sa mundo ng musika. Ano ang iyong maipapayo sa mga baguhang kompositor na gustong pasukin ang music land?

Mr. Vehnee:

Mahalin ang songwriting dahil hindi ito natatapos sa isang kanta. Write songs not for quantity but for quality.

Philippine Digest:

Sa apat na dekada mo sa music world, ano po ang maiko-consider mong best achievement at ano ang sa tingin mong legacy na maiiwan mo sa mga baguhan in case maisip mong mag-retire na sa mundo ng musika?

Mr. Vehnee:

Next year will be my 40th Year in the music industry. Lahat ng awards na natanggap ko ay masasabi kong best achievements. For legacy, sana maging isa ako sa mga inspirasyon nila sa pagsusulat ng kanta at sana makapagturo pa ako sa kanila sa larangan ng songwriting and music production at makakita pa ng isang Vehnee A. Saturno sa darating na panahon. Mag retire? Di ko naiisip kasi masaya pa rin ako hanggang ngayon. Magustuhan man o hindi ang mga susulatin kong kanta tuloy tuloy pa rin akong magsusulat hanggang kaya ko.

Philippine Digest:

Ano po ang iyong mensahe para sa readers ng Philippine Digest magazine?

Mr. Vehnee:

Sa readers ng PDM, patuloy nating tangkilikin ito, dahil napakarami ang mapupulot nating information sa magazine na ito. Sa PDM naman, mabuhay ka sa patuloy na pagsuporta sa OPM.

Marami salamat, Mr. Vehnee Saturno sa inyong musika at komposisyon na nagsisilbing inspirasyon sa mga bagong composers.