Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Derek Ramsay & Andrea Torres – Sexy and Daring

Matindi ang sikat ng araw at maalinsangan ang panahon. Kasabay nito ang pag-usbong ng itinuturing na isa sa inaabangang dream projects ng GMA 7 kung saan tampok ang dalawa sa kinakabaliwang talents nito na sina Derek Ramsay at Andrea Torres, ang “The Better Woman.”

Ngayong officially Kapuso na ang multi-talented and sought-after actor na si Derek ay hindi malayong itatambal siya sa mga magagandang leading ladies ng GMA 7 at isa na nga rito si Andrea.

Hindi lingid sa lahat na nagsimula si Derek sa GMA 7 at buong pusong pasasalamat na siya ay muling bumalik sa network kung saan siya unang nag-umpisa at nakilala via “Eat Bulaga” taong 2001-2004.

I started as a guest and they liked me. They later asked me to be a regular host. I was hosting a segment called “Pool Watch.” Hindi lang sa GMA 7 lumabas si Derek, lumipat siya sa bakuran ng ABS-CBN at nagkaroon ng maraming supporting roles sa iba’t ibang teleserye ng naturang network. At mula sa ABS-CBN ay lumipat uli siya ng network at ito ay sa TV 5. 

Marami man siyang naging hit projects sa ABS-CBN at sa TV 5 ay hindi pa rin niya nakalimutan ang network na kanyang pinanggalingan.


It feels so surreal. We had a great time after so many years and I got a very warm welcome. They really looked at who I was and it was all about getting to know me and my family. They understood that this was a big transition for me and gave me the time to prepare my mind and body. I’ve been waiting for this for a long time,” paglalahad ni Derek.

Mula nang bumalik siya sa GMA 7 ay excited na siyang muling magtrabaho. “What I noticed sa Kapuso, they always take risks. They don’t just serve the same thing on the table all the time. And that’s the way that I am, I like taking risks. The bigger the risk, the bigger the possible success. It’s gotten me to where I am now. I like challenging projects and that’s what I found here at GMA. I’m working on a new series which I think is very different and very exciting,” dagdag pa ng aktor.

Si Derek ay kinukonsiderang isa sa highly talented actors ng industriya. Sa loob ng halos dalawang dekada niya sa showbiz ay patuloy pa rin niyang pinapabilib ang kanyang mga tagahanga sa kanyang pag-tackle ng iba’t ibang roles sa telebisyon man o sa silver screen. Ang kanyang notable performances kung saan kinilala ng dalawang award giving bodies sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng dalawang Best Actor awards at iba’t ibang recognition. Sa kasalukuyan ay isa si Derek sa most in demand endorsers at most bankable leading men sa showbiz.

Sa bakuran ng GMA 7 ay buong puso rin siyang winelcome ng Kapuso talents tulad nina Dingdong Danntes, John Estrada at Gabby Concepcion. Maging ang kanyang naging leading lady sa pelikula na si Jennylyn Mercado ay buong puso rin siyang winelcome. Marami nga ang nagtatanong kung magkakaroon din sila ng project ni Jen sa telebisyon at siguradong papatok ito sa manonood.

Masayang inalala ni Derek nung nag-uumpisa pa lang siya, nang bigyan siya ng big role sa isang teleserye sa ABS-CBN kahit wala siyang prior experience sa acting. Kumbaga, ito ay naging challenge para kay Derek.

Ibinigay sa akin kaagad malaking role from nothing—no acting experience and they gave me a big role right away. That’s why I said I’m really, really lucky kasi ‘di ba ’yung mga iba they start with non-speaking lines or they are just in the background. With respect to ABS-CBN, they are a big part of who I am now. I wouldn’t become Derek Ramsay, the artist if it wasn’t for the help of ABS-CBN. It would have been impossible. They gave me projects, they honed my skills. But I felt it was time for me to make a move,” aniya.

Ayon kay Derek ay hindi niya pinagsisihan ang desisyon niyang lisanin ang ABS-CBN kahit maraming reaksiyon na kesyo malalaos daw siya o mayabang pero hindi niya ito ininda. “I’m comfortable with who I am. It’s not yabang. It’s just that I think everybody should be comfortable. This is what God has given you. You should be comfortable with who you are.” Ngayong nakabalik na siyang muli sa GMA 7 ay nakikita na niya ang sarili na magre-retire bilang Kapuso. Meaning, dito na siya mamamalagi. “This is how I really want my career to end. I want to be with Channel 7. I want to end it here.” At para sa kanyang unang project ay itatambal siya sa isa sa pinaka-sexy and daring talents ng GMA 7, si Andrea Torres.


This show that I’m going to start, a lot of drama. It’s very different from all the soaps that I’ve done in the past,” dagdag pa ni Derek.

Si Andrea Torres ay nagsimula naman sa ABS-CBN bilang isa sa contestants ng teen-oriented reality show “Qpids” taong 2005 at lumipat sa GMA 7 taong 2008 and since then ay nanatili na siyang talent ng Kapuso network. Isa si Andrea sa showbiz personalities, tulad ni Derek, na matatawag na matiyaga at mahilig sa challenge. Pinagbutihan niya ang kanyang craft para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman at ito naman ay nagbunga ng maganda. Mula sa small supporting roles hanggang sa unti-unti na siyang nakilala sa mas daring na role. Taong 2014 ang matatawag niyang lucky year dahil ipinagkatiwala sa kanya ang title role sa fantaserye an “Ang Lihim ni Annasandra.”

Maraming humanga sa kanyang acting at masaya ang pamunuan ng GMA sa naging reception ng tao sa kanyang unang title role fantaserye. At ito ay nasundan ng isa pang TV series noong 2016, ang “The Millionaire’s Wife” kung saan siya ulit ang title role sa papel na Louisa. Dahan-dahan subalit ramdam na ni Andrea ang bunga ng kanyang pagtitiyaga dahil nakatambal niya ang isa sa hinahangaan niyang artista at talent din ng GMA 7, si Dingdong Dantes sa “Alyas Robin Hood,” kasama si Megan Young.

Bukod sa telebisyon ay humahataw din ang kaseksihan ni Andrea sa cover ng FHM Philippines kung saan siya ay ibinoto bilang No. 2 sa 100 Sexiest Women in the World sa 2015 poll at No. 15 noong 2016 poll.  Bukod sa telebisyon ay lumalabas din sa pelikula si Andrea at kasama siya sa ilang pelikula ng Regal Entertainment at GMA Films.

Kamakailan lang at nag-renew muli ng kontrata si Andrea sa GMA 7.

Parang kailan lang. Nag-a-apply dito yung sinasabi nilang ‘Time flies when you’re having fun.’ I am really having so much fun. Automatic naman talaga na magre-renew ako sa GMA Artist Center kasi parang family ko na sila at iba talaga yung samahan namin,” natutuwang paglalahad ni Andrea.

I’m very happy. Blessed po talaga ako na nabibigyan ako ng iba’t-ibang klaseng roles. Nakakapag-explore rin ako. Masasabi ko nang na-try ko na mag-fantasy. Dati rin akala ko hindi bagay sa akin ang action pero nae-enjoy ko siya ngayon,” dagdag pa niya. Nasubukan din ni Andrea ang aksyon sa pamamagitan ng “Victor Magtanggol” kasama si Alden Richards.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Andrea ang tambalan nila ni Derek dahil alam niyang mapapasabak siya hindi lang sa pag-arte kundi sa pagpapa-sexy sa screen with Derek.

Pinangarap ko pong maging leading man si Derek kaya excited ako at matutupad ang pangarap na yun,” pahayag ng aktres.

Unang pagkakataon na magkakilala sina Andrea at Derek nang mag-shooting sila para sa Kapuso summer station ID at madali naman daw silang nagkapalagayan ng loob.

Nagulat ako kasi sobrang approachable niya. Parang close na kami agad, ang daldal niya. Comfortable na kami agad sa isa’t isa,” sabi ni Andrea.

Aniya, hindi lamang puro pagpapa-sexy ang gagawin nila sa “The Better Woman” dahil alam niyang ang teleseryeng ito ay drama at may aral na mapupulot. First time niyang makakatrabaho si Derek at alam niyang marami pa siyang matutuhan dito dahil seasoned actor na si Derek.

Abangan ang pagpapalabas ng “The Better Woman,” ang teleseryeng lalong magpapainit ng inyong tag-araw!