Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Valencia Triangulo

Sangkap:

  • 6 pirasong malaking saging na saba, hiwain pahaba
  • 6 pirasong jackfruit, bawat piraso ay hiwain pahaba
  • 24 kutsarang pinipig kalamay
  • 12 pirasong pambalot ng lumpia
  • 1 tasang brown sugar
  • mantika

Paraan:

  1. Ihanda ang isang malaking pambalot ng lumpia at lagyan ng 2 kutsarang pinipig kalamay, ½ saging na saba at ½ jackfruit sa gitna, i-fold na parang triangle at idikit ang dulo sa pamamagitan ng konting tubig. Gawin ang kaparehong proseso sa natitirang sangkap.
  2. Initin ang kawali sa 180 degrees C, pag umabot na sa 180C ang init ay ilagay ang brown sugar at ang binalot na saba at i-deep fry sa mahinang apoy hanggang luutong ang lumpia at mabalutan ng brown sugar ang kabuuan na tinawag na Valencia Triangulo.
  3. Hanguin mula sa kawali at itabi hanggang lumamig. At ihain.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *