Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bihongke

Sangkap:

  • 2 tasang Flaked Chicken Meat (cooked)

  • 250 g mahusay na klaseng bihon noodles

  • 24 pirasong quail eggs, ilaga at alisin ang balat

  • 1 tasang rehydrated wood ear fungus, hiwain

  • 1 carrot, hiwaing manipis

  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit

  • 3 maliit na  shallots, tadtarin

  • 2 litrong chicken stock (pwede ring gamitin ang likido mula sa pinagpakuluan ng manok na hihimayin)

  • 4 tangkay ng  spring onions, tadtarin, pang-garnish

  • patis

  • paminta

  • Piniritong bawang

Paraan:

  1. Igisa sa isang kaserola ang  bawang at sibuyas.

  2. Ilagay ang chicken stock at ilagay ang wood ear fungus, pakuluin.

  3. Ihalo ang flaked chicken at noodles at iluto sa loob ng 6 na minuto.  Magdagdag ng sabaw kung kinakailangan.

  4. Sa huli ay ilagay ang  carrots at quail eggs sa  soup at patayin ang apoy, lasahan ng patis at paminta at ilagay ang piniritong  bawang at tinadtad na spring onion sa ibabaw ng soup.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *