Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Utang ng OWWA sa mga Quarantine Hotels, Umabot sa 1.7 Bilyon

Lumobo na sa P1.7B ang naging utang ng OWWA sa mga quarantine hotels. Ang utang ay para sa mga hotels na ginamit na quarantine haven ng mga OFWs nung sila ay umuwi ng Pilipinas.  Umapela ang Philippine Hotel Owners Associationsa pangunguna ni Executive Director Benito ‘Bong’ Bengzon Jr. na kailangang mabayaran na ang mga hotel para maipagpatuloy ang operations ng mga hotel na ito na anila ay nakatulong din sa mga umuwing OFWs noong kasagsagan heightened restrictions ng gobyerno na kailangang mag-quarantine sa hotel bago umuwi ng kani-kanilang tahanan.
 
Ang sagot naman ni  OWWA administrator Hans Leo Cacdac sa kahilingan  ni Director Bengzon Jr., bigyan sila ng sapat na panahon dahil hinihintay rin nila ang Department of Budget para maaprubahan ang budget para sa quarantine hotels.