Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Napa-wow ni Gigi De Lana at ng Gigi Vibes ang Maynila, Next stop sa Middle East para sa concert tour

Matagal-tagal na rin mula nang makaranas ng full house ang Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, ngunit napuno ng super-hot Filipina singing sensation na si Gigi De Lana at ng kanyang bandang The Gigi Vibes ang venue noong Marso 5 sa pag-kick-off ng kanilang “Domination” international concert tour.
 
 Ang tagumpay ng Manila leg ay lalo lang nagpataas ng pananabik para kina Gigi at The Gigi Vibes ng mga overseas Filipino workers sa Middle East kung saan magkakaroon ng tatlong konsiyerto ang grupo:
 
Dubai – March 12 sa Jubilee Stage ng Dubai’s EXPO 2020, sa pakikipagtulungan ng Philippine Department of Trade and Industry (DTI);
 
Abu Dhabi – March 18 sa National Theatre ng Abu Dhabi with guest artist, Sam Concepcion; at
 
Bahrain – March 25 sa Crowned Plaza Bahrain, kasama pa rin si Sam Concepcion. Ito naman ay sa pakikipagtulungan ng The Filipino Club in Bahrain. 
 
 Ang “Domination” ang pinakabagong milestone para kay De Lana na sa loob ng isang taon ay naglabas ng isang chart-topping single (Sakalam), lumabas sa isang lead role kasama si Gerald Anderson sa kanyang unang serye, “Hello, Heart”, naglabas ng kanyang pinakahihintay na self-titled debut album, nakasama sa 1MX Music Festival sa Dubai, at nagkaroon ng kanyang unang ticketed na virtual concert bilang pagtatapos ng 2021, bukod sa iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *