Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Taas Pasaheng hiling ng Transport Group, Iniatras

Damang-dama ng lahat ang pagsirit sa presyo ng lahat ng commodities o bilihin, at hindi mawawala ang pagtaas ng kuryente, tubig at ang gasolina. Kaya naman nagbalak ang ilang grupo ng trasnport group na recognized ng pamahalaan na makipag-dayalogo sa Department of Transportation (DOTr) para maresolba ang kanilang kahilingang itaas ang pamasahe.
Nasunod ang kanilang kahilingang makipag-meeting sa mga DOTr para sa karagdagang P1 dagdag pasahe sa jeep. Pero pagkatapos ng dayalogo ay napag-alamang iniatras ng grupo ang taas pasaheng kanila sanang hinihiling.
 
Ayon kay Pasang Masda national president Obet Martin, nagbigay babala si DOTr Secretary Art Tugade na kung ibibigay sa kanila ang kanilang kahilingan ay baka magkaroon ng inflation na makaapekto sa lahat. Subalit hindi dito natapos ang usapan dahil nangako si Tugade na magbibigay sila ng fuel subsidy para sa mga driver at operator sa halagang P13,000.
Pumayag ang transport group kaya hindi na muna nila ilalarga ang kanilang kahilingan at mananatili pa rin sa P9 ang minimum na pamasahe sa jeep.