Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Trabaho sa Middle East at Canada

Daan libong trabaho para sa mga Pinoy na manggagawa ang naghihintay sa Middle East, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang paglago ng construction business sa maraming lugar sa Middle East na ang ibig sabihin ay mas maraming trabaho para sa ating mga manggagawa.  Ang mga bansang Saudi Arabia, Qatar, Kuwait, Bahrain at United Arab Emirates ay nagsasagawa ng malalaking proyektong inprastraktura na nagkakahalaga ng  $10 billion.

Ayon pa sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nangangailangan sila ng construction workers sa naturang lugar.  Ang mga construction workers ay kumikita sa pagitan ng $400 hanggang $800 kada buwan.

“Doon pa lang sa Qatar-Bahrain causeway, 75,000 na Pilipino na ang kailangan,” ayon kay POEA administrator Hans Cacdac.

Samantala, sa bansang Canada naman ay nangangailangan ng mga skilled workers tulad ng pipe-fitters, welders at farmers, at nurses naman ang kailangan sa bansang Australia.

Ayon kay Cacdac ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) ay kasalukuyang nakikipag-negosasyon sa  bansang Australia at Canada upang kilalanin ang mga eskuwelahan kung saan graduate ang mga Pilipino na maga-apply.  – (ABS-CBN News)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *