Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

. Koko bumitaw na !

Sa hinaba-haba ng paghihintay ay nag-desisyon na si Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.  Bumitaw na siya sa United Nationalist Alliance (UNA) dahil ayaw nitong makasama sa tiket ang kalaban nitong si dating Sen. Juan Miguel Zubiri.

Nagdesisyon si Pimentel na tumakbo na lamang sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na kanyang pinamumunuan, subalit nagsabi siyang maaari din siyang “guest candidate” ng alinmang partido kabilang na ang Liberal Party (LP).

Ang nasabing desisyon ni Pimentel ay kinumpirma rin ni UNA secretary-general at Navotas Rep. Toby Tiangco, kung saan sinabi nito na kanilang iginagalang ang naturang desisyon ng senador.- (Abante)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *