Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

708% tax hike sa Tabako

Pinangangambahang mamayagpag ang black market ng sigarilyo bunsod ng planong 708% na pagtaas ng buwis nito.

Ayon kay Blake Dy, vice president ng Associated Anglo American Tobacco Corporation (AAATC), siguradong dudumugin ng mga illegal, smuggled at counterfeit na sigarilyo ang ating merkado kapag naipatupad na ang pagpapataw ng napakataas na buwis dahil sa mas mura nitong presyo kumpara sa mga legal na sigarilyo.

Sinabi ni Dy na ang pinakamalalang senaryo ay ang lehitimong sigarilyo ay babagsak ng 50%, at ang best scenario sa pagbaba sa merkado ay 26%. Ngunit, ang mawawalang 50% ay papalitan naman ng smuggled at pekeng sigarilyo.

Ang kumpanya ni Dy ang siyang gumagawa ng mga low-priced brands na sigarilyo. Ayon sa kanya, magsasara ang kanyang kumpanya kapag ipapataw ang 708% na taas sa buwis na ngayon lamang ito mangyayari kung saka-sakali sa buong mundo.

Ayon kay Dy, ang pagpataw ng sobrang taas na buwis ay hindi magdudulot ng pagbabawas sa consumption dahil ang mga users ay maghahanap lamang ng mas murang produkto.-(Pilipino Star)