Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Tourism Secretary, humarap sa CA

Hindi lamang si Transportation Secretary Manuel ‘Mar’ Roxas ang nahaharap sa mapanuring mata ng Commission on Appointments (CA). Kasama rin dito si Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr. na ngayon ay sinasabon ng CA dahil nanumpa ito nang walang kumpirmasyon ng ahensya isang taon na ang nakakaraan. Nilinaw naman ng Malacañang na ang appointment ni Jimenez ay bilang “acting secretary” sa pag-alis ni Alberto Lim sa pwesto. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ang appointment ay dumadaan sa proseso ng nominasyon at imbestigasyon bago ito tuluyang mailuklok sa posisyon. Pati sina Justice Secretary Leila de Lima, Social Welfare Secretary Corazon Soliman at Environment Secretary Ramon Paje ay haharap din sa CA sa takdang panahon. Sa ngayon ay may mahabang listahan ang CA sa mga opisyal na iimbestigahan kasama dito ang mga military generals na umakyat sa pwesto at ilang foreign officers. (Philippine Star)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *