Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

DFA Sec. Del Rosario, lumipad pa-Syria

Lumipad na papuntang Syria si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario upang mapabilis ang paglikas ng halos 1,000 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa lumalalang karahasan sa lugar. Kasama ni Rosario si DFA Undersecretary Rafael Saguis sa pag-aayos ng iba’t ibang suliranin. Maliban sa paglilikas ng mga tao ay isang hamon para sa ahensya ang pagbabayad ng mga kontratang hindi natapos sa mga Syrian employers. Sa kasalukuyan ay nasa Philippine Embassy ng Syria ang mga nakalikas na OFWs at buong pwersa ang DFA, Department of Labor and Employment at Department of Interior and Local Government sa pagbibigay ng tulong para sa mga Pilipino. (Philippine Star)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *