Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

P351 Bilyong proyekto inilunsad na

Pagkatapos ng isang buwan matapos ang hagupit ng habagat, nagbigay na ng go signal si Pangulong Aquino kasama ang kanyang gabinete sa mga proyektong naghahalagang Php 351 bilyon. Karamihan sa mga ito ay pawang mga flood-control master plan na inaasahang makukumpleto sa 2035 at iba pang environmental measures para hindi na ulit mangyari ang matitinding baha na sumalanta sa Kamaynilaan. Ngunit ayon kay Antonio Oposa Jr., may mabilis at murang paraan upang masugpo ang baha at iyon ay mga natural na paraan. Iminungkahi ni Oposa ang paghuhukay ng lupa upang maging water collection ponds malapit sa mga dams. Samantalang inaayos na ulit ng Department of Public Works and Highways ang mga drainage systems na pangunahing dahilan ng pagbaha sa Metro Manila. (Philippine Daily Inquirer)