Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Top 10 Mobile Payment Options in Japan

Sa makabagong panahon natin ay marami na rin pagbabago sa sistema ng ating pamumuhay. Ang advanced technologies na ito ang nagpapadali sa way of living ng mga tao. Isa na riyan ang mobile payment options sa Japan.
Ang Japan ay kilala bilang cash-based country at 18.4% lamang ang gumagamit ng cashless payment methods tulad ng credit cards, electronic money, at mobile payments noong taong 2015. Pero dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon at teknolohiya, malaki rin ang pagbabago ng mobile payment system sa Japan.
Ayon sa research, ine-expect nilang tumaas ang mobile payment market size sa Japan mula USD8 million noong taong 2017 sa USD48 million sa taong 2023. Ang market size na ito ay ayon sa datos ng NFC at QR based solutions.
Most Popular Mobile Payment Services in Japan

PayPay – Ino-operate ng PayPay Corporation na ka-joint venture ng Softbank at Yahoo!Japan. Isa sa bagong mobile payment services sa Japan at isa sa popular dahil sa maraming reward promotion o perks na ino-offer ng kumpanya. As of first quarter of 2019 ay available ito sa brick and mortar stores at umaasang lalago pa. To use it, iko-connect mo ang iyong PayPay account sa inyong bank account o Yahoo wallet account. Pwede rin magpadala ng pera sa family or friends gamit ang app na ito.

Language: Japanese
Technology: QR Code
Website: https://paypay.ne.jp/

LINE Pay – Ino-operate ng app giant na LINE. May 79 million users ang app na ito sa Japan at 194 million users globally. Pwede kang mag-add balance sa iyong LINE Pay account sa pamamagitan ng iyong bank account o sa convenience stores. Magagamit ito sa brick and mortar stores at  pwede rin sa online stores. Secure at trustworthy ang service ng LINE Pay. Pwedeng i-download sa Google Play at Apple App Store

Language: English and Japanese
Technology: QR Code
Website: https://line.me/en/pay

Rakuten Pay – Mula sa Rakuten na isa sa malaking e-commerce platform ng Japan. Kailangan mo i-link ang iyong credit card sa RPay. May reward points sa paggamit nito sa shops. At kapag gagamitin ang Rakuten credit card ay mas doble ang perks na matatanggap mo. Pwedeng gamitin online at sa regular retailers. Pwedeng i-download sa Google Play at Apple App Store.

Language: Japanese
Technology: QR Code
Website: https://pay.rakuten.co.jp/

Origami Pay – Ang leading mobile payment start-up company na naka-base sa Tokyo. Maraming retailers ang nag-o-offer ng discount sa pamamagitan ng Origami. Available ito sa mahigit sa 1.45 million partner stores sa buong Japan at mahigit sa 1,000 partner stores sa buong mundo. Malalaman ang partners stores sa ibang bansa sa pamamagitan ng Origami App.

Language: English and Japanese
Technology: QR Code
Website: https://origami.com/en/

D-barai – Isang mobile payment service na ino-offer ng isang major mobile phone operator sa Japan, NTT DoCoMo (“barai” means payment in Japanese). Ito ay ino-offer para sa DoCoMo users para makabayad sa kanilang monthly phone bills. At dahil ang users ay may DoCoMo account na, hindi na nila kailangang i-link ang kanilang credit/bank accounts at makakakuha pa sila ng reward points at pwede nilang gamitin sa online shopping at retail shopping.

Language: Japanese
Technology: QR Code
Website: https://service.smt.docomo.ne.jp/keitai_payment/

merPay – Ino-offer ng second-hand online marketplace, mercari. I-link ang inyong bank account o gamitin ang earnings mula sa sales sa mercari marketplace. Maraming users ang mercari at ito ay magagamit sa mahigit sa 900,000 partner stores sa Japan.

Language: Japanese
Technology: NFC/QR Code
Website: https://www.merpay.com/

Pixiv Pay – Japanese online community para sa artists na isang mobile payment solution mula sa Pivix.  Kailangan nito ng Pixiv account. Ang Pixiv PAY ay nag-umpisa upang manaig sa Comic Market (Comiket) attendees, isa sa malaking comic related-events sa Japan. Ang Comiket ay kilala sa cash-only and no-change transactions dahil halos lahat ng exhibitors ay amateur creators. Gayunpaman, binago ng Pixiv PAY ang proseso sa Comiket sa pamamagitan ng mas madali at convenient para sa buyers at exhibitors. Pwedeng i-download sa Apple App Store at Google Play.

Language: Japanese
Technology: QR Code
Website: https://pay.pixiv.net/

Pring – Nagsimula sa mobile transfer service at ito ay tinawag na Japanese version ng Venmo. Kailangang i-link ang iyong bank account sa Pring para magamit ang kanilang service. Ang Pring ay nagpo-focus sa pag-facilitate ng komunikasyon sa magkakaibigan, pamilya at may chat din. Ito ay magagamit sa retail stores pero medyo limitado sa ngayon at umaasang lalaki pa ang kanilang network.

Language: Japanese
Technology: QR Code
Website: https://www.pring.jp/

Apple Pay – Ito ay service ng Apple mobile payment service. Ang pinakamalaking difference nito ay ang technology. Ang Apple ay powered ng NFC, pwede itong gamitin sa mga major E-money smart cards tulad ng Suica, QUICPay at iD. Ang kakayahang gamitin ang E-money smart cards ay mahalaga sa Japanese market dahil E-money smart card ang gamit ng mga Japanese sa pang-araw-araw mula sa commuting hanggang sa maliit na bayarin ng bills, at sa convenience stores.

Language: English and Japanese
Technology: NFC
Website: https://www.apple.com/jp/apple-pay/

Google Pay – Ang Android version na powered din ng NFC. Ang Google Pay ay nag-a-allow para sa users na gamitin ito sa limang major E-money accounts tulad ng Suica, QUICPay, Rakuten Edy, nanako, and WAON.

Language: English and Japanese
Technology: NFC
Website: https://pay.google.com/payments/u/0/home

I-click ito para sa step-by-step registration sa may English app tulad ng LinePay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *