Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

Understanding Hair Loss Problems and Prevention

Ang buhok ay tumutubo sa buong katawan ng isang tao maliban sa palad at talampakan. Ito ay binubuo ng isang protina na tinatawag na keratin na pino-produce ng ating hair follicles mula sa outer layer ng ating balat. At habang nagpo-produce ng bagong hair cells ang follicles, ang lumang cells naman ay natutulak palabas ng ating balat na umaabot sa anim na inches kada taon. Ang buhok na nakikita ninyo ay actually mga dead keratin cells. Sa pangkaraniwang adult head, mga 100,000 hanggang 150,000 hibla ng buhok at 100 ang nalalagas araw-araw. Kung makakakita ng maraming lagas na buhok sa brush ay natural at hindi dapat ika-alarma.

Sa anumang oras, halos 90% ng buhok sa anit ng isang tao ay lumalaki. Ang bawat follicle ay may sariling cycle ng buhay na maaaring maimpluwensyahan ng edad, sakit, at isang malawak na iba’t ibang mga kadahilanan. Ang cycle  ng buhay na ito ay nahahati sa tatlong phases:

Anagen – active hair growth na tumatagal sa pagitan ng dalawa hanggang anim na taon
Catagen – transitional hair growth na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong linggo
Telogen – resting phase na tumatagal mula dalawa hanggang tatlong buwan at sa kabuuan ng resting phase, ang buhok ay nalalagas at pinapalitan ng bago at uulit-ulit sa mula unang cycle

Reasons Why You’re Losing Your Hair


Physical stress – Physical trauma, surgery, car accident, o severe illness, maging ang flu ay maaaring maging dahilan ng pansamantalang hair loss

Emotional stress – Mas may dahilan na malagas ang buhok kesa physical stress pero nangyayari ito tulad halimbawa ng divorce, pagkamatay ng isang mahal sa buhay, o habang nag-aalaga ng isang matanda. 

What to do: Ang paglalagas ng buhok dahil sa physical stress ay eventually huhupa. Ang dapat lang gawin ay labanan ang stress o anxiety sa pamamagitan ng tamang ehersisyo, mag-therapy o humingi ng support na kinakailangan, maaaring sa doktor o pamilya.

Heredity – Ang female-pattern hair loss na tinatawag na androgenetic alopecia ay parang kawangis sa male pattern ng pagkakalbo. Kung ang pamilya mo ay may lahing nakakalbo at sa certain age, more likely ay magkakaganun ka rin. Pero hindi tulad ng mga lalaki na may receding hairline, ang babae ay makikitaan ng pagkanipis ng buhok na makikita na ang anit.

What to do: Tulad nang sa mga lalaki, maaaring gumamit ng minoxidil (Rogaine) para makatulong sa paglago muli ng buhok o di kaya, i-maintain ang buhok mo at hindi na malagas.

Dramatic weight loss – Nangyayari ito kahit ang pagbaba ng timbang ay mainam sa iyo pero ini-stress din nito ang iyong katawan tulad ng hindi pagkain ng tama na nagreresulta ng kakulangan ng bitamina sa katawan. Ang eating disorder tulad ng anorexia o bulimia ay sanhi rin ng paglagas ng buhok.

What to do: Ang biglang pagbaba ng timbang ay nakaka-shock ng sistema ng isang tao at malalagas ang buhok sa loob ng anim na buwan at muli itong magko-correct ng mag-isa. 

Pregnancy –  Ang pagbubuntis ay isang tipo ng physical stress na nagiging dahilan ng paglagas ng buhok. Kadalasan ito ay napupuna pagkatapos manganak dahil para sa kababaihan ang panganganak ay traumatic.

What to do: Kapag naglagas ang iyong buhok, isipin mo na ang buhok mo ay babalik ulit pagkatapos ng ilang buwan.

Overstyling – Ang pagpapaayos ng buhok o pag-i-style ay hindi nakakabuti sa buhok o sa anit lalo na yung may mga hair treatments. Ang mga kemikal na ginagamit sa buhok ay hindi makakabuti rito at minsan yung mga nagpo-pony tail o braid na sobrang higpit ay nagko-cause din ng hair loss.

What to do: Ang paggamit ng conditioner pagkatapos mag-shampoo ay mainam, pagpapatuyo ng mabuti, bawasan ang paggamit ng flat o curling iron. 


Strategies to Prevent Hair Loss

Diet – Maging maalaga sa katawan lalo na sa diet. Subukan ang Mediterranean diet para mabawasan ang risk ng androgenic alopecia o makapagpabagal sa paglugas ng buhok.

Protein – Ang pagkain ng protein rich food (eggs, nuts, beans and peas, fish, low-fat dairy products, chicken, and turkey) ay maaaring makatulong para maiwasan ang pagkalagas ng buhok.

Vitamin A – May retinoids na nagpapataas ng rate sa pagtubo ng buhok. Natutulungan nito ang sebum production para maging healthy ang anit. Multivitamins tulad ng vitamins A, B, C, D, iron, selenium, and zinc ay mahalaga sa pagkapit ng buhok upang hindi ito malagas.

Regular washing – Ang paghuhugas ng buhok ng madalas ay mapo-protektahan ang anit para maiwasan ang hair loss. The key is to use a mild shampoo.

Coconut oil – Ang lauric acid na nakikita sa coconut oil ang nakakatulong upang tumibay ang buhok. Maaari itong imasahe sa anit para ma-promote ang muling pagtubo ng buhok.

Gentle styling – Huwag masyadong gumamit ng kung anu-anong kemikal o mainit na gamit para ayusin ang buhok.

Laging tandaan, basta alagaan ng tama ang ating buhok at kumain ng healthy food at maging conscious sa health, ang inyong buhok ay mananatiling maganda at healthy.