Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Tinanglarang Manok

Nahahalintulad sa Tinolang Manok pero ito ay naiiba dahil sa mga sangkap na ginamit.  Isang simpleng lutuin na kalulugdan ng mga Pinoy dahil ito ay masabaw at napapanahon sa malamig na panahon.

Sangkap:

  • 1 kg chicken thighs at legs
  • 1 litrong chicken stock
  • 1 bungkos ng spinach leaves
  • 6 tangkay ng lemongrass (tanglad), i-trim, pitpitin ang tangkay
  • 1 maliit na pirasong luya, hiwaing manipis
  • 1 malaking sibuyas na pula, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit 
  • 4 pirasong balat ng lemon (lemon peel)
    juice mula sa  ½ lemon
  • mantika
  • patis o sea salt
  • paminta

Paraan:

1.  Igisa ang bawang, sibuyas at luya.  Lutuin hanggang lumambot ang sibuyas.
2.  Ilagay ang piraso ng manok at haluin sa loob ng 2 minuto sa malakas na apoy at hanggang magkulay brown ang manok.
3.  Ihalo ang chicken stock o sabaw, lemongrass at lemon peel, pakuluin at hayaang kumulo sa katamtamang init ng apoy sa loob ng 45 minuto.
4.  Ihalo ang spinach at lemon juice, takpan at hayaang kumulo sa karagdagang 1 minuto.
5.  Lagyan ng patis at paminta para sa lasa.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net