Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Dried Shrimps Omelette

Kakaibang lutuin na gamit ang hipong maliit.  Ayon sa author ng recipe ay hindi hibe ang ginamit niya kundi maliliit na hipon na may balat at ulo.  Pero kung gustong gumamit ng hibe ay pwede rin. 

Sangkap:

  • 1 tasang dried shrimps
  • 4 pirasong binating itlog
  • mantika

Paraan:

1.  Lagyan ng mantika ang pan at iluto ang dried hipon hanggang lumutong.  Hanguin mula sa pan at itabi.
2.  Pagsamahin ang nilutong hipon at binating itlog sa isang bowl at haluing mabuti.
3.  Gamit ang pan na pinaglutuan ng hipon, alisin ang sobrang mantika.  Hatiin sa tatlo ang binating itlog. Ibuhos ng marahan ang isang parte ng itlog mixture at iluto sa mahinang apoy. Ganun din ang gawin sa natitirang mixture.
4.  Pagkaluto ay ihain habang mainit.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net