Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

ABS-CBN’s most watched, most talked about PH debuts in Myanmar drama

Bukod sa pagiging top rater sa hapon ng Kadenang Ginto sa Pilipinas, ngayon ay mapapanood na rin ito sa kalapit bansang Myanmar sa pamamagitan ng Sky Net channel ng ABS CBN.  Ang Kadenang Ginto na may international name na The Heiress ay mapapanood araw-araw ka back to back ang The General’s Daughter ni Angel Locsin.

Ang The Heiress ay tungkol sa dalawang babae na nagtatagisan upang makuha ang yaman ng pamilya.  Mapapanood din ang love story nina Romina at Carlos na nagkahiwalay at napunta sa ibang partners nila.  Si Romina na napangasawa si Robert Mondragon, isang balo at business tycoon at si Carlos naman ay napangasawa si Daniela na anak naman ni Robert Mondragon sa unang asawa nito.  Ipinanganak ni Romina si Cassie (anak niya sa hindi pa kilalang lalaki na umabuso sa kanya) at si Daniela naman ay ipinanganak si Marga. Dito nagsimula ang rivalry sa pagitan nina Romina at Daniela at Cassie at Marga. Masalimuot at exciting ang istorya na kung sa Pilipinas ay kinagiliwan ito, hindi malayong kagigiliwan din ito ng mga manonood sa bansang Myanmar.

Samantala, ang The General’s Daughter naman ay tungkol kay 2nd Lieutenant Rhian Bonifacio, isang military nurse sa Armed Forces of the Philippines nage-espiya sa military movements ng AFP.  Anak-anakan ni Tiago Guerrero si Rhian.  Pinalaki ni Tiago si Rhian at hinasa sa pagkiki-digma upang makapaghiganti sa kanyang mortal na kaaway na si General Marcial De Leon na tunay na ama ni Rhian.  Hindi alam ni Rhian na ang kanya pa lang paghihigantihan ay ang kanyang sarili at tunay na pamilya.  Sa bandang huli ay si Rhian mismo ang nakatuklas ng sikreto ni Tiago Guerrero at naipit siya sa laban sa pagitan ng pamilyang umampon sa kanya at ng tunay niyang pamilya at kailangan niyang mamili kung saan ang kanyang loyalty.