Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

The New Beginning and It’s Ideas

Nang lumabas ang unang “preventive vaccine para sa Covid-19, marami ang natuwa dahil inisip nila na unti-unti nang babalik sa normal ang kapaligiran. Please note na ang vaccine na ginawa ng malalaking pharmaceutical companies ay para prevention laban sa covid at hindi treatment.

Ang pagkaka-lift ng nationwide state of emergency sa Japan ni Prime Minister Abe ay maraming natuwa at na-realize nila na marami silang na-miss nitong nakaraang isang taon tulad halimbawa na lalabas para mamasyal o magpunta sa burger joints kasama ang mga kaibigan or for a simple fact na gusto nilang makitang muli after 1 year ang kanilang mga kaibigan instead of facetime or via zoom noong panahon ng lockdown.

Anu-ano nga ba ang na-miss natin noong panahon ng lockdown? Kung iisipin natin, sa Japan ay ang festivals at holidays na hindi na i-celebrate (na may kasamang parada at crowd) dahil sa covid. Mga lugar na gustong dayuhin noong panahon ng tag-sibol o Spring. Bukod sa pagpunta sa mga lugar na gustong puntahan, anu-ano pa nga ba ang pwede nang gawin ng mga mamamayan ngayong nagbubukas na ang panibagong pag-asa at bagong buhay;

1. Travel – Isa ito sa kinokonsiderang magandang event sa panahon ng Spring. Ang muling pagbuka ng mga bulaklak na sadyang napakagandang tanawin sa buong Japan. Dinarayo pa nga ito ng mga turista mula sa iba’t ibang bansa. Datapwa’t hindi nangyari noong isang taon. Hindi lamang paborito ng mga turista kundi maging ang mga lokal na residente din. Nag-plano na sila kung saan sila pupunta para sa Sakura viewing sa iba’t ibang lugar. Napakahalaga at popular ang Sakura o Cherry Blossom, dahil para sa mga Japanese, ang Sakura ay sumisimbulo ng tagsibol. Ang salitang tagsibol ay maraming kahulugan. Tagsibol na ibig sabihin ay muling namumulaklak ang isang halaman, ang tagsibol para sa tao ay ang mga kabataan (teens) na mula sa pagiging mga bata ay pumapasok sila sa bagong kabanata ng kanilang buhay bilang mga teenagers at ang tagsibol sa makabagong panahon natin. Ang muling pagbubukas ng pag-asa (matapos ang covid -19). Ang muling pagbangon ng bawat bansa mula sa pagkakalugmok sanhi ng pandemyang dulot ng mapaminsalang virus na ito.

Sa Tokyo, maraming lugar kung saan mo pwedeng i-view ang Cherry Blossom, Sa Meguro River (mga 800 na cherry trees ang masisilayan na nakahilera sa may river bank), Shinjuku Gyoen (isa sa pinakamalaking national garden sa Tokyo na may 1000 puno ng cherry blossom), Chidorigafuchi (ang may pinaka-akit-akit na lugar ng pamumulaklak ng cherry blossom sa Tokyo), Ueno Park (dinarayo ng karamihan dahil sa lawak ng lugar at popular sa cherry blossom viewing), at Tokyo Midtown (dinarayo sa lalo na sa gabi dahil maganda ang tanawin ng cherry blossom lalo na sa gabi..

2. Lumabas – Panahon ng lockdown, bahay at grocery o pharmacy lamang ang pinupuntahan ng tao. Pero ngayon na nagbukas na unti-unti ay may mga taong nagbabalak na rin na pumunta sa ibang destinasyon at hindi lamang sa grocery. Sabik na ang lahat na pumunta sa mga lugar na dati nilang pinupuntahan para makasagap na rin ng sariwang hangin.

3. Mag-Party – Napagod din ang halos lahat noong panahon ng lockdown dahil puro lutong bahay ang kinakain at paulit-ulit. Na-miss din nila ang kumain sa labas, o mag-party kasama ang kanilang pamilya o kaibigan na sa loob ng isang taon ay hindi nila nakita. Ngayong bukas na ulit ang pubs at restaurants ay muling marami ang nag pa-plano na mag-party at pumunta sa bar para magsaya.

4. Balik Reyalidad – Karamihan sa mga tao ay naghangad na bumalik sa dati ang buhay natin nung bago pa dumating ang coronavirus. Sa mga negosyante ay umaasang magbalik sa dati ang kanilang negosyo, mga estudyantenng, umaasam na muling makita ang kani-kanilang mga classmates ng face to face, at maging libreng makalabas ng bahay na walang hadlang o banta mula sa virus.

5. Magkita-kitang muli ang magkakaibigan – Sino ba naman ang hindi nag-asam na muling makasalamuha ang mga kaibigan. Kung dati ay tumatanggi ka pa sa alok ng kaibigan na magkita kayo, ngayon ay hindi na dahil mas masaya na magkakasama ulit kayo at magkukwentuhan tungkol sa buhay buhay. At this time, siguradong ang pagkukwentuhan ninyo ay ang buhay lockdown.

Bukod sa mga paglabas at pagpa-party, mayroon namang iba na nahumaling sa gardening o pagtatanim. kadalasan mga may edad ang nahuhumaling dito pero nung panahon ng lockdown ay may mga kabataan ding nahumaling. Siguro nga dahil sa halos na-bored na sila sa bahay kaya naman nag-umpisa silang magtanim sa kanilang garden para mairaos ang oras nila na sa tingin nila ay napakabagal.

6. Gardening – Para sa mga nag-uumpisa pa lamang ng pag ga-garden ay narito ang ilang mga tips;
May ibang nag-aakala na kapag mag-umpisa ng pag ga-garden ay kailangan ng malawak na lugar para umpisahan ito. Hindi po, sa panahon ngayon, kahit sa maliit na espasyo ng inyong lugar (balcony, patio o sa rooftop) at nakalagay sa paso (piliin ang laki ng paso base sa lugar ng inyong paglalagyan ng paso o tanim). Pagkatapos ay alamin kung ang plants ba na inyong itatanim ay kailangan ng direct sun o kailangang nasa lilim. Kapag lahat nang ito ay naumpisahan ng walang problema ay tuluy-tuloy na ang inyong pag ga-garden at home.

Paalaala:

Hindi pa talaga tapos ang pandemya, kung nagluwag man ang pamahalaan sa pagbubukas ng iba’t ibang establisimiyento, ito ay para makatulong sa ekonomiya at turismo, huwag pa rin nating kalimutan ang pag-iingat dahil hangga’t hindi tayo nababakunahan, nariyan pa rin ang ating “invisible na kaaway” na naghihintay lamang ng pagkakataon upang tayo ay salakayin.