Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Rhian Ramos A Versatile Actress Loving and Living her Life to the Fullest

Kahit saan siya magpunta ay hindi maaaring hindi muling lilingon ang mga nakakasalubong niya.  Hindi kasi mukhang Pinay kundi mukhang foreigner dahil ang kanyang ama ay isang foreigner.  Masaya si Rhian sa kanyang career sa kasalukuyan, walang pressure at ine-enjoy niya ang bawat role na kanyang ginagampanan.  Malaki ang tiwala niya sa GMA 7 kung saan siya ay pumirmang muli ng kontrata.

Masaya rin ang pamunuan ng GMA 7 dahil kilala na nila si Rhian simula pa noong bata pa ito.  Ipinakilala siya sa television series na Captain Barbell at Stairway to Heaven.  Pero bago pa siya pumasok sa telebisyon ay modelo na siya sa iba’t ibang commercials.

Malaki ang pasasalamat ni Rhian sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng GMA-7. Simula noong naging leading lady siya sa Captain Barbell, sunud-sunod ang naging projects niya liban lang noong nag-showbiz hiatus siya mula 2011 hanggang 2012.

“I feel very lucky talaga. The life that I live, I’m happy with it, and being with GMA 7 gives me the opportunity to continue to be creative with them.

“They always give me chances to learn more, to improve myself. I’ve made all kinds of projects with GMA, and I feel excited to continue to create,”  paglalahad ni Rhian.

RHIAN RAMOS BILANG KAPUSO

 15 years old pa lang ay naging contract star na si Rhian sa Kapuso Network.  At hanggang sa kasalukuyan ay nasa bakuran pa rin siya ng nasabing network na kinokonsidera niya second homeaway from her home. Halos kalahati anya ng buhay niya ay ginugol niya sa kanyang home studio.  Ito ang isang magandang sample na salitang “loyalty” dahil hindi rin naman maiiwasan na magkaroon siya ng offers sa ibang networks pero pinatunayan niya ang salitang pagiging loyal at respeto sa kanyang network.

It’s a very interesting and colorful life to live, and, I’m gonna be honest, it’s not perfect, but I will be forever grateful that GMA changed my life forever starting when I was 15.

It was a long time ago, but I remember the day I came out on GMA changed everything for me, and I’m happy to share my interesting journey with anyone who can learn from it,” ani Rhian.

Nagpasalamat din ito sa publiko na patuloy na sinusuportahan ang Love of My Life, ang drama series na tinampukan nila nina Carla Abellana, Mikael Daez, at Coney Reyes.

Nag-umpisang napanood sa GMA-7 ang Love of My Life noong February 3, 2020, pero pansamantalang nahinto ang pag-ere nito nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine noong March 17, 2020.

Nag-resume ang taping ng Love of My Life noong September 2020, at nagbalik ito sa telebisyon noong January 18, 2021.

Natutuwa si Rhian at ang co-stars niya dahil hindi bumitaw sa panonood ang mga tumatangkilik sa kanilang programa kahit matagal itong nawala sa telebisyon.

We are so grateful na hindi nila kami nakalimutan and hindi sila bumitiw sa kuwento namin.

“When that suddenly happened, we were like ‘grabe ,sayang naman,’ we we’re trying to make the show really nice and enjoyable for everyone.

Pero now that we’re given a second chance, we’re so happy that they enjoy what we’ve done and, so far, sa comments online and everything, parang na-feel nila yung continuity of the show.

Consistent na mataas na ratings ang teleseryeng “Love of My Life” so talagang grateful kami. Thank you so much for all the support, and we hope na yung future episodes namin na lalabas pa lang, masubaybayan nila, ma-enjoy, at may mapulot din sila na lessons,” ang mga sagot ni Rhian sa mga tanong na ipinadala namin sa kanyang tungkol sa muling pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Mananatiling Kapuso si Rhian Ramos matapos pumirmang muli ng kontrata sa GMA Network nitong Biyernes, Feb. 19, na naging tahanan na niya sa nakalipas na 15 taon.

Dumalo sa kaniyang contract signing sina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno, GMA Vice President for Business Development Department III Darling de Jesus-Bodegon, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Assistant Vice President for Drama Productions Cheryl Ching-Sy, Senior Program Manager Charles Koo, at ang manager ni Rhian na si Michael Uycoco.

I am so happy and … I just feel lucky I get to live my dream and continue to live my dream with this station that supports me,” saad ng aktres. “This is where I feel most at home and most comfortable here.”

Patuloy niya, “I grew up here even. I’ve been here for 15 years already … GMA has been so loyal to me through the years with all the opportunity they’ve given me and the guidance.”

Ayon kay Rhian, marami siyang natutunan bilang Kapuso at nais niyang makaroon ng mas maraming hosting projects.

Noong nakaraang taon, panahon ng lockdown ay marami sa atin ang nakaranas ng stress dahil na rin na-stock lahat sa kani-kanilang mga tahanan at natigil halos lahat ng industriya at kasama na diyan ang showbiz.  Wala munang live shows, tigil ang pagte-taping ng mga teleserye, at maging ang radio stations ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang program scheduling. Nakaka-stress to the point na nawawalan ka rin ng ganang kumain. Ang tanging naging aliwan ng mga tao ay ang internet at ang social media.  Nagpo-pose pa rin ang mga artista ng kanilang activities at home para hindi sila mawala sa sirkulasyon kumabaga at makikita pa rin sila ng kani-kanilang mga tagahanga.

Pero hindi pa rin pinatawad ng mga netizens ang mga artistang nagpo-post sa social media, may pumupuri at hindi pa rin nawawala ang pumupuna at naninira.  Isa sa isyung pinagusapan noong nakaraang taon ay ang naging post ni Rhian Ramos ng kanyang photos.  Napansin ng netizens ang malaking timbang na nabawas kay Rhian sa gitna ng pandemic.  Inisip nila na dumanas ng eating disorder dahil sa sobrang pag-diet diumano ang dalaga.  Pero agad naman itong pinabulaanan ni Rhian. Aniya, hindi raw pagda-diet ang dahilan ng kanyang biglaang pagpayat kundi stress.  Although hindi naman niya ipinaliwanag kung ano ang dulot nito pero inamin niya na ito rin ang panahon nung mag-break up sila ng kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok.

Sinabi rin ni Rhian na honest siya sa kanyang mga followers at wala siya itinatago sa mga ito dahil sila ang source ng kanyangenergy at happiness sa kasalukyan.

Aniya pa, “ang pagiging tapat sa iyong mga kaibigan tagahanga at pamilya ang magbibigay sa iyo ng positive attitude in life.  Mahalin mo ang sarili mo at mahalin mo ang kapwa mo para maging magaan ang takbo ng iyong buhay at siyempre ang iyong career.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *