Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

The Cost to Save A Life : How Much Will A Covid Vaccine Cost?

At last, mayroon na ring bakuna para sa Covid-19. Ang virus na gumimbal sa buong mundo. Ang virus na nagpabagal ng takbo ng mundo. Huminto ang lahat dahil sa virus na ito. Lahat ng mga siyentipiko at researchers sa buong mundo ay hindi tumigil sa pagtuklas ng bakuna laban sa Covid-19. At narito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang bakuna na magliligtas sa ating lahat.

Bago ko ipagpatuloy, nais naming ipaliwanag na ang natuklasang bakuna para sa covid-19 ay hindi upang mapuksa ito kundi upang magkaroon ng immunity ang katawan ng isang indibiduwal laban sa coronavirus.

Ibig sabihin, ang talagang bakuna na pupuksa sa covid-19 ay kailangan pang bumilang nga maraming taong pananaliksik para sa mas epektibong bakuna laban sa covid-19. Ang madaliang tinuklas ng mga siyentipiko ay ang bakuna upang magkaroon ng immunity laban sa naturang virus. Ibig sabihin, hindi ka tatablan ng virus. Parang flu, kung ikaw ay nagpa-flu shot ay may panlaban ka sa virus ng flu. Ganyan din ang vaccines na tinuklas ng pharmaceutical companies na Pfizer at Moderna at iba pang mga pharmaceutical companies sa buong mundo na naguunahang tumuklas ng bakuna. Ito ay upang mapigil na ang pagdami pa ng cases na nagiging sanhi ng kamatayan ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ngayong may bakuna na, paano ito ia-administer sa bawat tao? Sa bawat bansa? Sino ang mauunang bigyan ng bakuna?

Karamihan sa mayayamang bansa sa iba’t ibang panig ng mundo ay nakikipag-partner sa iba’t ibang pharmaceutical companies at nagbuhos sila ng bilyun-bilyong halaga ng dolyar para makauna kung sakaling ito ay matuklasan na.

At ang katanungan ngayon ay dahil na sa bilyong halaga ang ginastos ng bawat bansa, kapag i-dinistribute na sa mga tao, magkano na ang halaga nito? Ayon sa resources, ito ay depende sa bawat kumpanya dahil may bilang ng dosage. Tulad halimbawa ang Moderna pharmaceutcial, ang kanilang bakuna ay nangangailangan ng 2 dosage at ang isang dosage at nagkakahalaga ng $32 hanggang $37.

Sa kumpanyang Pfizer naman, $19.50, bawat dosage. Sa Johnson & Johnson ay nagkakahalaga ng estimate $10 kasa dosage, ang AstraZeneca na pinakamura sa kasalukuyan at mula $3 hanggang $4 kasa dosage. Ang Novavax ay estimated $16 bawat dosage.

Sa bawat indibiduwal na may health insurance ay ang insurance nila ang magbabayad (depende kung may out of pocket expenses mula sa magpapabakuna). At dun sa mga walang insurance ay maaaring ang pamahalaan ang tumulong sa kanila o kung ikaw naman ay may kakayanang magbayad out of pocket ay ok na rin.

Sa mga third world countries kasama ang Pilipinas, sila man ay naglabas ng kanilang reserved funds para sa bakuna at upang unahing mabigyan ang matatanda at ang mga frontliners na simula sa umpisa at walang patid ang pagtatrabaho round the clock upang mabigyan ng tamang pangangalaga ang mga tinatamaan ng virus. Ngayong nariyan na ang bakuna, at bilang pasasalamat na rin sa mga frontliners at marapat lamang na sila ang unahing bigyan dahil sila ang laging nasa edge na mahawahan dahil direkta silang naga-alaga sa mga may sakit ng covid.

Sa bansang Japan naman, ang vaccines na kanilang tinutuklas ay hindi magiging available hanggang 2022.

Ang AnGes Inc., ay isang startup nagmula sa Osaka University, ang nanguna sa pagde-develop ng vaccine. Noong Hunyo, sila ay nagsimula ng trial vaccine mula sa kinopyang virus DNA at ang second phase ng trial ay nagsimula noong Nobyembre. Ang unang layon ng kumpanya ay ipa-approve ang vaccine sa Spring 2021 pero hindi akma ang tyempo dahil kailangan i-konsidera muna ang trial para sa mahigit sa 10 libong katao.

Ang Shionogi & Co. naman ay nagde-develop ng bakuna na gamit ang COVID-19 antigen protein na ginawa sa genetic engineering. Ang pakay nila ay i-launch ito sa katapusan ng susunod na taon 2021 at mag-conduct sila ng malawakang trial para sa lahat, na ibig sabihin, hindi lamang sa loob ng Japan kundi maging sa labas ng Japan. Plano nilang magbahagi ng 30 million doses kada taon.

Ang KM Biologics Co., isang unit ng food and pharmaceuticals group ng Meiji Holdings Co., at ang Daiichi Sankyo Co. ay magla-launch ng vaccine trial sa darating na Marso ng 2021.

Ang ID Pharma Co., isang unit ng I’rom Group Co., ay expected ang trial Marso at May ng susunod na taon 2021.

Kaya sa mga susunod na buwan at taon ay mas marami nang bakunang pwedeng magamit para magkaroon ng prebensiyon o lunas laban sa Covid-19.