Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chicken Pakam

Ang Chicken Pakam ay popular sa Bulacan kung saan ang manok ay iniluluto parang stew kasama ang kamatis, luya, bawang at sibuyas.

Sangkap:

  • 1 kg chicken thigh at legs
  • 1/4 tasang cane vinegar
  • 2 pirasong bay leaves
  • 1 kutsarang dinikdik na buong paminta
  • 1 ga-hinlalaking luya, hiwaing pahaba (julienned)
  • 4 malaking kamatis, tadtarin
  • patis
  • 1 tasang tubig
  • 6 pirasong bawang, hiwaing maliliit
  • 2 katamtamang laki ng shallots, hiwaing manipis
  • tinadtad na coriander, pang-dekorasyon sa ibabaw
  • mantika

Paraan:

1. Pagsamahin sa isang kawali ang manok, suka, dahon ng laurel (bay leaves) at paminta. Pakuluin at hayaang kumulo hanggang medyo matuyo ang suka.
2. Bago tuluyang matuyuan ng likido ang niluluto ay lagyan ng mantika at iprito ang manok hanggang maging light brown ang kulay. Hanguin mula sa kawali at itabi.
3. Gamit sa parehong kawali at sa katamtamang init ng apoy (medium) dagdagan ng mantika kung kinakailangan at ilagay ang bawang, sibuyas at luya. Igisa hanggang maging mahalimuyak ang amoy ng iginigisa.
4. Ilagay ang kamatis at ituloy ang pag gigisa hanggang lumambot ang sibuyas.
5. Lakasan ang apoy at lagyan ng tubig ang kawali at pakuluin.
6. Ibalik ang manok at takpan at hayaang kumulo sa katamtamang init ng apoy sa loob ng 10 hanggang 15 minuto o hanggang maluto ang chicken at mabawasan ang likido na tama para maging soup at saucy.
7. Lasahan ng patis at patayin ang apoy. Ilagay ang coriander sa ibabaw.

Recipe credits to www.angsarap.net For more recipes, please click