Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Prayoridad sa Coronavirus Vaccine

Ang buong mundo ay nagbunyi nang lumabas ang balitang mayroon nang bakuna laban sa Covid-19. Noong unang mga buwan pa lamang ng pananalasa ng pandemya dulot ng Covid-19 ay nag-uunahan na ang iba’t ibang malalaking pharmaceutical companies upang makahanap ng agarang bakuna para mapuksa ang mabilis na paglaganap ng mapaminsalang virus na ito. Hindi lingid sa lahat na ang pagtuklas ng bakunang PUPUKSA sa covid-19 ay matatagalan pa pero ang bakuna para sa prevention laban sa covid ay agarang hinanap para mailigtas ang sangkatuhan.

Ngayong mayroon nang bakuna, marami ang nagtatanong kung sino ang mauunang bigyan ng bakuna. Syempre, hindi na maiaalis diyan na sa simula pa lamang, ang mayayamang bansa ay nag-finance upang sila ang mauna at ang matitira ay idi-distribute sa ibang bansa. Pero naglabas din sila ng mga guidelines na kung sakaling magkaroon ng bakuna ay sino ang unang mabibiyayaan nito at kung ito ba ay safe.

Nasubaybayan sa buong mundo ang progress ng pagtuklas ng bakuna. May mga una hanggang ikatlong phase ng trials at sa bandang huli ay ang pag-apruba nito para safe na i-administer sa tao. Sa simula pa lamang ay nagpaalala na rin ang mga siyentipiko na hindi pare-pareho ang reaksyon ng bakuna dahil ang tao ay may kanya kanyang pre-existing conditions at may allergic reactions rin.

Lahat nang ito ay dapat isaalang-alang. Paalala rin ng mga siyentipiko na maging matapat sa kalagayan ng kanilang kalusugan bago magpabakuna para alam nila kung ano ang mangyayari at mga mararamdaman pagkatapos ng bakuna. Lahat ay oobserbahan kung may side effects at ang aming narinig, sa mga taong nabakunahan ay oobserbahan hanggang 2 taon para makasigurong ligtas sila.

SINO ANG PANGUNAHING PRAYORIDAD NG COVID-19 NA BAKUNA?

Dito ay marami ang gustong maunang mabakunahan pero may dapat sundin ayon sa mga kinauukulan. Ang edad ang pinakamalaking factor sa pagbibigay ng vaccine. Ang mga nasa edad 50-taon pataas ang babakunahan para sa phase one ng pagbabakuna. Ang mga residente ng home care o mga matatanda sa home assisted living at kanilang mga tagapag-alaga ang nasa top lists na mababakunahan laban sa Covid-19 sa bansang UK.  Ang UK ang kauna-unahang bansa na nag-apruba ng bakuna mula sa Pfizer/BioNTech COVID-19.

Narito ang kanilang priority lists;

1 – Residente sa mga care home (mga matatandang inaalagaan at pati ang kanilang mga tagapag-alaga).
2 – Mga matandang nasa edad 80 pataas. Mga Frontline health at social care workers
3 – Mga matandang nasa edad 75 pataas
4 – Mga matandang nasa edad 70 pataas. Mga high risk na indibiduwal.
5 – Mga matandang nasa edad 65 pataas.
6 – Mga individuals edad 16-64 na may health conditions na ayon sa CDC ay makakasama sila sa kategoryang higher risk of serious disease at mortality
7 – Mga matandang nasa edad 60 pataas
8 – Mga indibiduwal na edad 55 pataas
9 – Mga indibiduwal na edad 50 pataas

Kung may priority lists ng dapat mabakunahan ay may dalawang kategorya o grupo naman na HINDI PWEDENG tumanggap ng bakuna:

1 – Mga kababaihang nagdadalangtao o buntis
2 – Mga kabataang edad 16 pababa

Sa ngayon, ang mahalaga ay maging mahinahon ang lahat at hintayin ang pagdating ng bakuna sa ating bansa. Kung napapanood man natin sa news at nababalitaan sa newspapers o online na naguunahan ang mga bansa para makakuha ng bakuna, tayo bilang mamamayan ng bansa ay huwag pa ring makalimot na sundin ang safety guidelines ng CDC. Hangga’t wala ang bakuna sa bansa ay hindi tayo pwedeng mag-relax. Patuloy pa rin tayong mag-ingat at sa mga susunod na buwan ay makikita na natin ang unti-unting pagbabago sa paligid.

Be Safe Everyone!