Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

The Best Money-Making Apps in the Philippines

1. BuzzBreak

Ang BuzzBreak ay isang lifestyle app na nagpapakita ng iba’t ibang popular na contents sa internet. Ang BuzzBreak App ay isang mobile app na nagbabayad sa user para lamang basahin ang breaking news mula sa popular na newspapers at magazine tulad ng balita, sports, entertainment, lifestyle, business at iba pa.

To Download: https://play.google.com/store/apps/details?id=news.buzzbreak.android&hl=en&gl=US

2. GCash

Isang mobile wallet app na pwedeng gamiting pambayad ng bills, pambili ng cellphone load, magpadala ng pera, mamili at iba pa. Ito ay magagawa mo lahat mula sa iyong mobile phone. Kahit saan, kahit kailan. Safe at secure ang mobile wallet na naka-connect sa iyong mobile number at available anytime. I-download mo na ang GCash para makumpleto mo na ang lahat ng dapat mong gawin at bilhin habang ikaw ay nasa bahay.

To Download: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.globe.gcash.android&hl=en&gl=US

3. CIMB Bank PH

Ang layon ng CIMB Bank Philippines ay mabigyan ng pagkakataon ang mga Pinoy upang makapili ng tamang financial tools para ma-reach nila ang kanilang financial goals. All-digital banking ang offer ng CIMB Bank. Simple lang. Mag-open ka lang ng account at pwede ka na mag-bangko mula sa iyong mobile phone. Ang CIMB Bank Philippines ay nakakuha ng awards bilang European’s Best Digital Bank 2021 and Global Banking and Finance Review’s 2021 Best Digital Bank Philippines.

To Download:

https://play.google.com/store/apps/details?id=com.CIMB.OctoPH&hl=en&gl=US

4. Shopback

Ang ShopBack ay isa sa mahusay na paraan para mag-shop online na nago-offer ng 30% cashback sa lahat ng inyong online purchases bukod sa kanilang coupon codes at deals mula sa kanilang 500 shops online.

To Download:

https://play.google.com/store/apps/details?id=com.shopback.app&hl=en&gl=US

Best Mobile Payment Apps in Japan

1. PayPay

Ang isa pang easy to use na cashless payment method na tumatawag ng pansin sa Japan ay ang PayPay. Para siyang prepaid card at available sa smartphone users sa Japan. Wala itong fees o minimum balance pag nag-open ka ng account sa kanila. Ang paggamit nito i-scan lamang ang QR code sa mga cash register kung saan kayo mamimili, ang mga merchants naman ang mag-scan ng barcode mula sa inyong app. Kapag naka-download na kayo ng app na ito, maaaring makita kung saan pwedeng gamitin ang PayPay. Pwede ring mag-kolekta ng points kapag ginagamit niyo ito kapag magbabayad ng goods na nabili nyo. Ang Paypay ay available lamang sa Japanese.

To Download:

https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.ne.paypay.android.app

2. Line Pay

Halos lahat ng Hapon ay gumagamit ng Line kaya di kataka-taka na ang Line Pay ay isa sa sikat na cashless payment option sa Japan. Maaari mo ito magamit sa kahit anong merchant na tumatanggap ng Line Pay at maaari ka rin magpadala ng pera o magsplit ng bills ng iyong kaibigan sa Line. Gamit ang app, maaari kang magbayad gamit ang QR o barcode sa pagbili.

To Download:

https://apps.apple.com/us/app/line/id443904275
https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.naver.line.android&hl=en_GB&gl=US

3. Rakuten Pay

Ang Rakuten ay isang libreng app at browser extension na tumutulong para makahanap ng coupon at maka-earn ng cash back sa items na binibili sa mga affiliate link ng Rakuten. Bukod sa pagsa-shopping ay pwede ring makakuha ng cash back sa travel, groceries, kainan at marami pang iba. Sa kasalukuyan ay may 1 billion na ang binayaran ng Rakuten sa cash back sa lahat ng miyembro nito.

To Download:

https://play.google.com/store/apps/details?id=ht.spotlig.rakutenchk&hl=en_GB&gl=US

4. D-barai

Ang D-barai ay isang mobile payment service na ino-offer ng major mobile company ng Japan, ang NTT DoCoMo. Ang ibig sabihin ng Barai ay payment o bill. Ang payment solution na ito ay nagbibigay ng pahintulot sa users ng DoCoMo na mabayaran ang kanilang monthly phone bills. At dahil registered users na sila at naka-register na sa DoCoMo account, hindi na kailangang mag-connect sa bank account o credit cards. Magkakaroon din ng reward points na pwedeng gamitin para sa online o offline shopping kasama ang phone bill payments.

To Download:

https://play.google.com/store/apps/details?id=com.nttdocomo.keitai.payment
https://apps.apple.com/jp/app/id1328132872