Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kareng Ingles

Ang Kareng Ingles ay isang lutuin Pinoy na may kasamang chicken at mga tropical veggies tulad ng sitaw, okra at bokchoy na niluto sa gata.

Sangkap:


1 kg hita at legs ng manok
1 latang 400 ml coconut milk (gata)
1/2 tasang chicken stock
12 pirasong okra
1 bungkos ng snake beans, hiwain sa 1 inch ang haba
1 bungkos ng bok choy, alisin ang matigas na tangkay
4 pirasong siling haba
1 maliit na luya, hiwain ng manipis
1 malaking sibuyas na pula, tadtarin
6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
mantika
patis o sea salt
paminta

Paraan:


1. Painitin ang pot at lagyan ng mantika at igisa ang bawang, sibuyas at luya. Lutuin ang sibuyas hanggang lumambot ito.
2. Ihalo ang chicken at gisahin sa loob ng 2 minuto sa malakas na apoy para mag-brown ang lahat ng sides ng chicken.
3. Idagdag ang gatas at chicken stock at pakuluin sa loob ng 25 minuto.
4. Ihalo ang sitaw at okra at lutuin sa loob ng 5 minuto.
5. Ilagay ang siling haba at bok choy at takpan ang pan at lutuin sa loob ng 2 karagdagang minuto.
6. Lasahan ng patis at paminta.

Recipe credits www.angsarap.net