Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Steady Cash apps on Smartphones

Ang panahon ng pandemya ay nagbukas ng maraming ideya para sa atin kung paano tayo makahanap ng pagkakakitaan. Mula sa online selling, food delivery gamit ang apps, work from home at iba pang oportunidad.

Ang isa sa pinaka-popular ay ang pag-download ng Apps kung saan ang isang user ay kikita ng pera, pandagdag sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Ang mga app na hindi ka na kailangan pang umalis ng iyong tahanan. Kumbaga, work from home gamit ang iyong smartphone.

1. Dalawa rito ang crowd works at lancers kung saan libre kang pwedeng magpa-member ng libre. I-download ang iyong resume at makikita mo ang iba’t ibang klase ng trabaho na pwede mong gawin online. Para sa karagdagang kaalaman, narito ang link;

https://crowdworks.jp/ at https://www.lancers.jp/

Ang layon ng mga site na ito ay upang makatulong sa mga may ekstrang oras para makadagdag sa income nila. Please note na hindi ito pwedeng ipalit sa iyong regular full-time job, ito ay kung gusto mong kumita ng extrang cash at kung may extrang oras ka ay makakatulong ito sa iyo.

2. Isa pang very ideal suggestion ay ang mga site kung saan ikaw ay kikita sa pagsagot lamang ng questionnaires;

https//research-panel.jp/ – kailangan mong mag-register para makasali sa kanilang research panel at para sagutin ang ilang questionnaires na nakapaloob sa research. Ito ay point system, mas marami kang sasalihang research ay mas marami kang makukuhang points. Ang mga point rewards na ito ay pwede mong ipalit ng cash.

3. Isa pa sa mga pwedeng pagkakitaan ay ang pagmo-monitor ng isang produkto at kukunin sa iyo ang iyong opinyon kung ano ang masasabi mo sa kanilang product. Narito ang links; https://www.fancrew.jp/ at https://tmoni.tsite.jp/about

Ang registration ay libre kaya kung gustong kumita ng extra cash ay maaari ring magpa-member sa site nila.

4. Kung kayo ay mamimili huwag ninyong itapon ang inyong mga resibo. Dahil yan ay pwede niyo ring pagkakitaan. Isa ito sa apps mula sa Apple na pwede niyong gamitin ang inyong mga smart cellphone para kuhanan ng picture ang inyong resibo para mula sa inyong apple purchasing app at viola! instant cash agad. Sundan lamang ang aming link at ito ang magsisilbing guide ninyo at magbibigay ng karagdagang impormasyon ukol sa Apple app na ito.

https://apps.apple.com/jp/app/one-ワン-レシート撮影-お金がもらえる買取アプリ/id1373644984

5. Blogging in Japanese- isa pa rin sa pinagkakaabalahan ng internet users ay ang pagiging vloggers. Pero may site dito na ang content ay purely in Japanese at ang registration ay libre. Sundan na lamang ang instructions ng links na ito para magkaroon ng ideya kung paano mag-start mag-blog, ito ay isang klase ng discussion na “anything under the sun” ang topic. Meaning iba’t ibang categories. May guidance ang site kung paano makapag-start ng blogging at mula sa blogging site na ito, ikaw ay mabibigyan ng rewards.

https//blog.seesaa.jp/

https//hatenablog.com/

https//www.a8.net/

6. English affiliates- sundan ang link para sa karagdagang kaalaman ukol dito.

https//www.tradingwithdee.com/blog/why-you-need-to-join-hugos-way-affiliate-program

Ito ay parang modern day pyramid scheme kung saan may ipo-promote ang isang produkto at hahanap ka ng mga miyembro mo sa ibaba mo at tuluy-tuloy na parang pyramid. Ikaw ang nasa ituktok at ang iyong mga miyembro ang nasa ilalim. Sila ang nagtatrabaho sa iyo habang sila ay kumikita, ikaw ay kumikita rin. Kumbaga, uumpisahan mo at sila na ang magpapatuloy.

Anyway, bukod sa mga naisulat namin, ay marami pa riyan na pwedeng pagkakitaan kung ikaw ay magiging masipag sa pagba-browse ng internet. Siguraduhin lamang ang authenticity at kung ang sites na ito at legitimate.