Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Maja Salvador, The Dance Princess @15

Parang kailan lang, isang batang na-discover sa programa ng The Buzz nang panahong hinahanap niya ang kanyang ama na si Ross Andres. And the rest is history. Look at where she is now? Nabibilang na siya sa mga hinahangaan at iniidolong nilalang sa showbiz. Dahil nasa kanya ang dugong Salvador, multi-talented siya. Sa akting, singing, at siyempre, dancing.

Ang career niya ay nagsimula noong 2003 na hanggang ngayon ay malayo na ang narating. Nagsimula sa isang minor role kasama sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa It Might Be You at umani ng papuri at nomination bilang Best New Female TV Personality. Sumunod ay ang pagpapakita niya ng galing sa sayaw at pagpe-perform tuwing linggo sa ASAP at nai-cast sa iba’t ibang teen-oriented shows ng ABS CBN at napasama sa ilang teen-oriented movies ng Star Cinema. Pagkatapos ay hindi na mabilang ang mga TV show at pelikula na kanyang nasamahan sa bakuran ng kanyang mother studio, ang ABS CBN.

Kung may tinatawag na hagdan ng tagumpay, ganito ang nangyari sa career ni Maja. Unti-unti siyang nakilala hindi dahil sa kanyang apelyido lamang kundi dahil nakita ng marami ang talento niya bilang isang multi-talented artist. Ang mapasama siya sa malalaking TV series ng ABS CBN ay ilan sa kanyang mga achievement bilang isang artista.

Mapa-drama, comedy, romance, at maging musical, hindi magpapatalo ang isang Maja Salvador. Lagi siyang standout. Ang karismang taglay ng isang Salvador ay nakaka-akit. All-in-one, ika nga. Nasa kanya ang versatilty na dapat taglay ng isang performer o aktor kaya naman mula noon hanggang ngayon ay nananatili pa rin si Maja at hindi natitinag.

Sa kasalukuyan, busy si Maja sa out-of-the-country shows upang mag-reach out sa mga kababayan nating abroad upang magbigay saya sa mga naho-homesick nating kababayan.

At isa sa kanyang destinasyon ay ang Japan kung saan si Maja Salvador ang guest performer sa Philippine Expo 2018 event na pinamahalaan ng Committee ng Bonds of Ocean Asia, na gagawin sa Ueno Park, Tokyo nitong darating na Hunyo 14, 15, 16, at 17, sa pagdiriwang ng ika-120th taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

After this ay marami pang naka-line up na shows si Maja at may bagong pelikula siya kung saan kasama niya si Zanjoe Marudo, ang To Love Some Buddy. Sa showbiz, kung hindi ka matatag ay hindi ka magtatagal at ang staying power ni Maja ay dala ng kanyang 15 taong pagsisikap at pagpapahalaga sa sining na kanyang pinasok. Happy 15th year Anniversary in showbiz, Maja Salvador!