Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Apps at Negosyo

Sa panahon ng Pandemic ay marami ang naghanap kung paano kikita kahit nasa loob lamang ng kani-kanilang tahanan. May mga work from home pero mayroon din naman totally walang trabaho dahil naapektuhan ng kasalukuyang pandemya. At sa pagkakataong ito pumasok ang mundo ng tinatawag nating APPS.

Ano ba ang Apps?

Ang app, na pinaikling “application”, ay isang klase ng software na pwedeng i-install at i-run sa computer, tablet, maging smartphone o iba pang electronic device. “App” ang kadalasang ginagamit na salita sa mobile apps o isang software na naka-install at ginagamit sa isang computer. Marami sa Apps na ito ay may espesipikong gamit tulad ng sa mga food delivery na gumagamit ng apps para sa users para maka-order ng pagkain sa kanilang local restaurants para magpa-deliver at hindi pwedeng gamitin sa ibang purpose. Kumbaga, ang app na ginagamit sa pagpapa-deliver ng pagkain ay hindi pwedeng gamitin sa grocery shopping o pagpapa-reserve ng upuan sa mga restaurants.

Sa kasalukuyan ay hindi lang iisa kundi milyon ang Apps na available para sa iba’t ibang kategorya ng negosyo. Mahalaga ito sa mga business owners at iba’t ibang negosyo. Magagamit ito para maging smooth ang pagpapatakbo ng negosyo at cost effective pa. Mapapalawak ang inaabot para makakuha ng ibang investors at nakakapagpataas ng productivity ng isang kumpanya. Apps din ang makakatulong sa mga empleyado upang magawa nila ang kanilang trabaho outside of their offices at marami pang iba.

Paano magkapera sa Apps?

Paano nga ba magkakapera gamit ang mga libreng Apps na ito? May mga negosyo na gustong magkapera gamit ang Apps. Madali lang mag-download at libre pero paano sila kumikita? Mas marami ang free apps kesa sa may mga bayad. Narito ang ilang estratehiya;

1. Advertise
Ang pag-aanunsyo o advertising ang isa sa paraan para magkapera sa Apps. Sa totoo lang, mas madaling ipatupad at sumunod sa third party na network. Walo (8) sa sampung (10) libreng App na nag-develop na maliliit na ahensya ay gumagamit ng advertising bilang model nila para mapalawak ang naaabot ng kanilang business.
Ang pagpapatupad ng konsepto batay sa mga ad upang kumita ng pera mula sa app ay hindi napakadali at simple. Kinakailangan lamang ng may-ari ng app na ipakita ang mga patalastas sa loob ng kanilang mobile app at sa gayon, madali silang mabayaran mula sa third-party at commercial na ad network.

At dahil dito, ang may-ari ng app ay binabayaran alinsunod sa bilang ng “clicks” sa ad o kapag nakumpleto ng isang user ang pag-install ng app sa pamamagitan ng ad.

2. Subscription
Ang subscription ay maituturing na kapaki-pakinabang at pinakamahusay na diskarte para magkapera sa Apps. Pwedeng mag-offer ang publisher ng libre o ng naaangkop na nilalaman (content) sa loob ng kanilang mga apps para sa limited time at pagkatapos ay maaaring sumingil ng subscription fee para maipagpatuloy ng users na basahin ang kung anumang articles na kanilang binabasa. Sa madaling salita, may limited time na pwede mong basahin online ang mga articles pero after that, magkakaroon na ito ng bayad o subscription fee kung gusto mong patuloy na basahin ang kanilang articles. May free trial at pagkatapos ng trial period ay may option kang ituloy ito o i-cancel. Ito ay ginagamit sa cloud services, online audio/ video streaming at online news portals.

3. Selling Merchandise
Isa pang diskarte para magkapera sa Apps. Pwedeng ibenta ng owner ang kani-kanilang produkto sa kanilang libreng App. Maraming e-commerce business ang binibuild up ng apps para maibenta ang kani-kanilang produkto tulad laruan, shirts at iba pa. Maaari nilang gamitin ang app para sa pagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pamantayan ng marketing sa email.
Kaya para maka-engganyo ang iba’t ibang kategorya ng publisher ng app na gamitin ang iba’t ibang diskarte para magkapera, inumpisahan ng Amazon ang isang klase ng service na tinawag na “Merch” upang bigyan ng pagkakataon ang mga publisher ng apps na i-promote ang kanilang produkto sa tamang paraan.

4. In-App Purchases
Ang in-app purchase ay ang direktang ginawa mula sa mga app. Ito ay ang pagpapalawak ng access sa mas advanced at malakas na features para mas mabilis at madali ang paggamit ng mga users.
Ang mga pagbili ng in-app ay makakatulong sa mga may-ari ng app na ibenta ang kanilang mga virtual item sa mas madaling paraan.

5. Freemium Upsell
Ang freemium upsell ay isang proseso kung saan ang mga users ay makakapag-download ng libreng apps pero kailangang magbayad para sa karagdagan o premium features. Kumbaga, ang libre ay yung standard na ino-offer ng apps. Ang mga features at iba pang android app services ay magagamit sa pamamagitan ng mga in-app purchases na kasama na o naka-infuse na.
Ang mga pasadyang pag-unlad ng iOS at mga serbisyo sa pag-unlad ng Android app ay darating sa maraming mga pagpipilian para sa pagbuo ng mga libreng app at gumagamit ang mga may-ari ng mga ganitong uri ng taktika para kumita ang pera at para maakit ang mga gumagamit. Ang mga custom iOS at Android app development services ay may kasamang maraming options para ma-develop ang libreng apps at magamit ito ng owners para maka-attract ng users.

6. Transaction Fees
Ito ang pinakamahusay na paraan upang gawing pera ang iyong mga app. Maaaring sumingil ang mga may-ari ng app ng transaction fees para sa paggawa ng digital transactions para sa mga users.
Halimbawa, ang isang mobile app ay maaaring lagyan ng option para makapagbenta ng produkto kung saan ang mga owners ng app ay nag cha-charge ng fees. Maaaring magsimula ang mga publisher sa pamamagitan ng pagsingil ng napakababang fee para sa bawat transaksyon. Sa pamamagitan nito ay tutulungan din ang mga owners na kumita kahit paano nang hindi nag-iinvest ng malaking pera.

Sa dami ng pagpipilian paraan ay siguradong kikita ang owners mula sa free apps.
Ang mga may-ari ng app ay maaaring kumuha ng developer ng app para sa mas para sa mas sopistikadong solusyon at isang digital marketer na pwedeng mag-set ng batayan para kumita ng pera sa tamang paraan.