Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF MARCH 2018

Aries (March 21- April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 1, 13, 23, 26, 35, at 49

Ginto ang panahon, kung may magandang naisip, kumilos kaagad. Maraming gawain subalit paiiralin mo ang katamaran. May mga bagay na kailangan isaayos at kailangan paggastusan. Kung may pupuntahan, ituloy dahil may biyayang naghihintay.

Taurus (April 20 – May 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 1, 17, 28, 33, 44 at 47

Ang kaguluhan sa paligid ay madilim na ulap sa nais gawin. Kung marunong magpahalaga sa trabaho may matamis na bungang mapipitas. Igalang ang opinyon at paniniwala ng iba para galangin ka. Ang pagsisikap ay hindi masasayang kung buong puso ang pagganap.

Gemini (May 21 – June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Garnet Red
LUCKY NOS: 3, 18, 27, 36, 42 at 49.

Pag-aralang gawin ang mga kinakailangan sa trabaho para lalong mapa-angat ang kalagayan ng propesyon. Bagong pag-ibig ang sisibol. Suriing mabuti ang landas na tinatahak para hindi maligaw. Sa negosyo, magiging matumal.

Cancer (June 22 – July 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 7, 16, 25, 34, 43, at 45

May sasalungat. Ang mabilis na pagkilos at kamalayan ang maliligtas. Malulutas ang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan at bumabagabag sa damdamin. Ang sipag sa pag-gawa ang puhunan sa pag-unlad.

Leo (July 23 – August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Apple Green
LUCKY NOS: 6, 10, 29, 34, 40 at 47

Maganda ang matatanggap na balita. Matatapos nang maayos at walang balakid ang sinimulan. Sa pag-ibig at negosyo ay maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating.

Virgo (August 23 – September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 5, 8, 14, 19, 32, at 44

Mag-ingat sa pagkain na mahirap tunawin. Alagaan ang kalusugan para maiwasan ang magkaproblema. Ang mga kaibigan ay madaling malapitan at maaaring makatulong sa suliranin. Iwasan ang magalit.

Libra (September 23 – October 23)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 9, 12, 15, 24, 33, at 48

Iwasan ang masakit na biro na makakasugat ng damdamin dahil may masasaktan kahit hindi sinasadya. Makakagawa nang kapaki-pakinabang na gawain para sa pamilya at sarili. Isang lihim ang hindi sinasadyang matutuklasan. May palatandaan na lumalandas sa katuparan ng pangarap.

Scorpio (October 24 – November 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 1, 7, 18, 25, 28, 43

Paglabanan ang kapusukan para hindi mapahamak. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nakikita sa materyal na bagay o sa salita ngunit sa gawa. Malamang may magandang impormasyon na matatanggap, ito ang matagal mo nang gustong malaman. Malaking tulong ang magdasal.

Sagittarius (November 22 – December 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 7, 16, 28, 37, 43 at 41

Ang balak na magtrabaho sa ibang bansa ay isulong ngayon. Inaayunan ng pagkakataon ang magsimula ng negosyo. Ang agwat ng edad ay magiging dahilan ng problema sa relasyon. Mag-ingat at baka may mawalang bagay.

Capricorn (December 22 – January 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Silver
LUCKY NOS: 1, 14, 23, 32, 39 at 42

Mag-ingat sa mandaraya o mandurugas dahil lapitin ka nito ngayon. Maging matatag. Iwasan na mag-init ang ulo. Panatilihin ang kahinahunan. May posibilidad na mahihirapan sa pagtupad ng pangako. Ang hindi inaasahang mangyari ang magbibigay sigla.

Aquarius (January 20 – February 18)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 5, 18, 23, 34, 41 at 49

May pagkakataon na maiangat ang hirap na kalagayan sa negosyo. Tiyaga at sipag ang susi ng tagumpay. Suriing mabuti ang alok bago pumalaot. Iwasan ang magpadalus-dalos ng pasiya. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan.

Pisces (February 19 – March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 6, 18, 24, 40, 46 at 48

Pakinggan ang kutob para hindi magkamali sa gagawin. Sa mga gagawin ng mga kasamahan dapat makiisa sa layunin. Ang matagal nang hinahangad gawin ay matutupad nang walang hadlang.