Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Shaina Magdayao: The Gold Queen

Lumaki sa bakuran ng ABS-CBN si Shaina Magdayao. Bata pa lamang ay napapanood na siya sa mga soap opera at pelikula ng Star Cinema at ABS-CBN. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na siya ang nakababatang kapatid ni Vina Morales. Subalit kahit na ganun ay nagkaroon siya ng sarili niyang marka sa mundo ng showbiz. Talented si Shaina dahil naipakita niya ang husay niya hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa pagsayaw na labis na kinagigiliwan ng mga manonood tuwing linggo sa “ASAP.” Nakatanggap na rin ng iba’t ibang award at citations si Shaina bilang pagkilala sa kanyang talento.

Nagampanan na ni Shaina ang mga roles na gustong niyang gampanan at masaya siya dahil dito. Binansagan siyang “Gold Queen” ng ABS-CBN para sa kanyang mga matagumpay na starring roles na naipalabas sa panghapong block ng Kapamilya Gold.

Bukod sa pagiging aktres ay hindi rin bago si Shaina sa mga endorsements dahil bata pa lamang ay nakikita na ang kanyang mukha sa iba’t ibang print ads at TV commercials. Sa pelikula naman ay bata pa lamang ay nahasa na siya sa pag-arte patunay na dedicated siya na maabot ang tagumpay.

Bukod sa showbiz ay aktibo siya sa pagtulong sa kapwa. Tumutulong siya sa ilang foundations at bahay-ampunan kasama ang ilang NGOs upang magkalakap ng pondo. Ang Hospicio de San Jose at St. Luke Reach Out Foundation ang ilan sa kanyang mga tinutulungan. Noong 2014, ginamit niya ang kanyang sariling salapi at nangalap ng donasyon mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz upang i-donate sa remote area kung saan ang nakatira ay mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Personal niyang dinalaw ang lugar dala-dala ang mga relief goods para sa mga taong nasalanta. Nagpunta rin siya sa Italy para magsilbi sa kumbento sa San Giovanni Rotondo upang pagsilbihan ang mga batang may malubhang karamdaman.

Tahimik lamang si Shaina at hindi niya inaanunsyo ang mga pagtulong niya sa kanyang ginagawa. Likas na matulungin at mabait na dalaga kaya naman hanggang ngayon ay nandyan pa rin siya at tinatangkilik ng kanyang mga tagahanga.

Marami ang nagtatanong kung ano na nga ba ang estado ng kanyang buhay pag-ibig. Matatandaang nagkaroon din siya ng mga karelasyon sa mundo na showbiz, na-link sa kanya sina John Prats, Sam Milby, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual. Subalit tahimik lamang si Shaina. Ayaw niyang lumikha ng usap-usapan ukol sa kanyang pribadong buhay. Pagkatapos ng paghihiwalay nila ni John Lloyd ay naging tahimik si Shaina. Nasa tamang edad na siya upang piliin kung sino ang gusto niyang makasama habambuhay subalit nanatiling tikom ang kanyang bibig lalo na ukol sa kanila ni Piolo na napapabalitang kanyang itinatangi sa kasalukuyan.

Inamin ng aktres sa isang panayam na ang kanyang hinahanap sa isang lalaki ay nagbago na. Hindi na tulad ng katangiang hinanap niya noong mas bata pa siya. Ngayong nag-mature na siya ay iba na ang kanyang panuntunan sa paghahanap ng “ideal person.” Sa ngayon diumano, ang gusto niya ay isang lalakeng rerespeto sa kanya at sa kanyang pamilya, “someone who will respect my family, may takot sa Diyos, God-fearing, that’s it,” paglalahad ni Shaina. Hindi na siya naghahanap ng katangiang nakikita lamang sa panlabas. “Even I am not perfect so I am not looking for a perfect person,” paliwanag niya. Hindi na rin tinitingnan ang edad basta perfect timing, ika nga ni Shaina.

Marami ang humanga sa pagganap ni Shaina sa kanyang huling afternoon drama series na “The Better Half” na sabi nga ng marami, ang haba ng panahon sa showbiz ang humubog sa kanya upang maging mahusay na aktres. Sa “ASAP” ay pahinga muna si Shaina dahil sa bukod sa kanyang iba’t ibang activities ay kailangan niyang ibigay sa kanyang sarili ang pahinga kahit isang araw lamang. Marami ang nagtatanong kung ano ang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Inamin ng aktres na nag-umpisa siyang magkaroon ng allergic reactions dahil sa kanyang hypothyroid kaya ipinaliwanag niya na kailangan niya itong ipahinga. “Kaya ngayon talagang rest muna tayo sa ‘ASAP’ para mayroon tayong Sunday day-off,” pag-amin ni Shaina. Subalit inamin din niyang hindi niya hahayaang ang hypothyroidism ang magpabagal ng takbo ng kanyang karera. Nagpupunta si Shaina sa doktor upang mapangalagaan ang kanyang kalusugan. Umiinom siya ng gamot upang maisaayos ang kanyang kalagayan. Kailangan lang talaga ng tamang pahinga upang manumbalik ang kanyang kalusugan.

Pagkatapos ng “The Better Half” ay may bagong teleserye si Shaina. Ito ay ang “Asintado” kasama sina Julia Montes, Paulo Avelino, Aljur Abrenica, Lorna Tolentino, Agot Isidro at Cherry Pie Picache. Marami ang natuwa dahil ang akala nila ay matagal nilang hindi makikita ang aktres sa telebisyon.

Kasi nga parang ngayon ang pinapa-prioritize sa akin, kahit ilang beses ko nang sinasabi na ‘I’ll make time for myself’ or I’ll rest muna after The Better Half,” pag-amin niya.

Ayon pa rin sa kanya ay biniyayaan siya ng trabaho kaya gusto niya muna itong i-prioritize. Sa kabilang banda rin, hindi naman niya isasantabi ang paghahanap sa lalaking magpapatibok ng kanyang puso sa tamang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *