Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Ang Pagtatapos ng “La Luna Sangre: The Apocalypse”

Alamin kung mananaig ang pagmamahalan nina Malia (Kathryn Bernardo) at Tristan (Daniel Padilla) laban kay Sandrino (Richard Guiterrez) sa nalalapit na pagtatapos ng hit action serye ng ABS-CBN na “La Luna Sangre: The Apocalypse”, na napapanood sa labas ng bansa via The Filipino Channel (TFC), at na may final episode na streaming simulcast sa local airing nito sa March 2 (Manila time) via TFC online (www.TFC.tv), sa key countries worldwide.

Patindi na nga nang patindi ang tensyon gabi-gabi mula nang matuklasan ni Sandrino ang pagtataksil ni Tristan at pakikipagtulungan pa nito kay Malia. Patuloy man ang paghahasik ng gulo ni Sandrino, hindi naman natakot si Tristan at kompiyansang magagapi nito ang kapatid, lalo pa at katuwang niya sa laban ang babaeng kaniyang pinakamamahal — si Malia.

Ngunit, maging sapat kaya ang kanilang pag-ibig at paninindigan para sila ay magtagumpay?

Simula’t sapul ay pag-ibig na ang naging sandata ni Malia para magampanan ang kaniyang tungkulin bilang bagong itinakda. Hindi siya kailanman sumuko para protektahan ang kaniyang mga kauri at makamit na ang inaasam na kapayapaan. Maging ang tadhana ay nagawa niyang hamunin sa ngalan ng kaniyang pag-ibig kay Tristan.

Samantala, nabalot man ng poot minsan ay nanatiling busilak ang puso ni Tristan para sa kaniyang pamilya at kay Malia. Noon pa man, pag-ibig ang nag-uudyok sa kaniyang magsikap para itaguyod ang kaniyang pamilya, at pasukin ang mundo ng mga bampira at lobo nang sumali siya sa Moonchasers upang bigyang hustisiya ang pagpanaw ng kaniyang ama.

Ngayong linggo, makikitang namatay si Baristo (Joross Gamboa) sa kamay ni Sandrino, isang bagay na lalong uudyok kay Malia na wakasan na ang kasamaan ng lider ng mga bampira.

Ang “La Luna Sangre” ang ikatlong aklat sa “Moonstone” trilogy ng ABS-CBN. Isa ito sa pinakapinapanood na teleserye sa loob at labas ng bansa. Isa rin ito sa pinakapinag-uusapang topics sa social media.