Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of September 2021

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22-July 22)
Leo (July 23-August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 31, 11, 43, 22
Kung anuman ang kailangang gawin ay gawin mo na at huwag ka nang magpa-petik petik. Ikaw ay may ugaling ipinagpapabukas ang kung anumang importanteng gawain. Gawin mo ang dapat gawin. Mayroon kang kamag-anak na humihingi ng tulong Kung kaya mo lang ay pagbigyan mo.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 22, 13, 32, 55
May mga bagay na pinagkakalibangan na hindi mo aakalain na magiging daan para ikaw ay matuto at magtagumpay sa negosyong pinasok. Ang pinagkakalibangan na kung sobra ay hindi rin mainam kaya hinay-hinay lang din.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 51, 33, 22, 41
Masuwerte ang iyong aspetong pampinansyal sa buwan na ito. Maganda ang takbo ng iyong negosyo at kung mayroon mang legal issues na kinakaharap, ito’y mareresolba. Maging matalino ka sa mga taong iyong pagkakatiwalaan.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 45, 31, 11, 55
Ikaw pa rin ang lider sa negosyo. Malaki ang tiwala ng iyong boss at alam niya ang iyong kakayahan na magpatakbo nito ng smooth at walang problema. Bawat desisyong gagawin ay pag-isipan mabuti para mas lalong umangat ang iyong negosyo.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Satin White
LUCKY NOS: 16, 20, 35, 42
Lahat ng gusto mo ay magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Huwag magduda sa sarili dahil lahat ng desisyong gagawin mo ay pabor sa iyo ang resulta. Kung meron man pinaplano ay maisasakatuparan ito dahil na rin sa iyong matatag na panuntunan sa buhay at mahusay na pagdedesisyon.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: MOnday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 33, 22, 11, 55
Ang iyong kapalaran ay maganda dahil marami kang tatanggaping biyaya na bunga ng iyong kahilingan. Ang pag-ingatan mo lang ay ang iyong kalusugan. Matutong sumunod sa payo ng doktor na umiwas sa mga pagkaing bawal sa iyo.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24-November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22-January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February 19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 15, 51, 45, 33
Ikaw ay sociable na tao. Sa pagkakataong ito, gamitin mo ang iyong pagiging sociable sa pakikisalamuha sa mga tao at ipakita ng iyong abilidad lalo na sa negosyo. At dahil sa iyong taglay na abilidad ay magiging cooperative ang iyong kasama sa trabaho.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 53, 35, 23, 11
Kung anumang negosyo mayroon ka ngayon ay ipagpasalamat, ito ay magiging successful. Huwag mo lamang kakalimutan na alagaan ang iyong kalusugan para hindi ka masyadong ma-stress.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Fuschia Pink
LUCKY NOS: 26, 31, 12, 45
Mahusay ka sa sales kaya naman inaasahan ka sa inyong kumpanya na magiging isang matagumpay na salesman. Mayroong isang contract na iyong mapagtatagumpayan sa negotiation. Dapat mong bigyan ng pabuya o reward ang sarili sa hardwork na iyong ginawa. Gamitin mo ang pagkakataong ito na makabyahe para ikaw naman ay magpahinga.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Ivory White
LUCKY NOS: 11, 31, 22, 55
Ang tingin sa’yo ay reflection kung paano mo tingnan ang iyong sarili. Matutuwa ka sa sunod-sunod na biyayang iyong matatanggap. Magtutuloy-tuloy ito dahil ikaw ay masipag at matiyaga.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 26, 12, 33, 43
Kung ikaw man ay isang taong mahilig magsugal, dapat mo itong iwasan. Hindi ang pagsusugal ang magbibigay sa iyo ng swerte dahil bagkus, dito mauubos ang iyong pera pati ang iyong naiipon. Maging positibo sa pananaw sa buhay huwag umasa sa pakikipagsapalaran tulad ng pagsusugal. Sa ibang bagay pa pwede pero huwag ang sugal.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 52, 25, 36, 45
Ikaw ay may kausap online at dito mahuhulog ng husto ang iyong loob. Pero dapat mong harapin ang katotohanan na walang magiging masaya sa mga nag kakakilala lamang sa online. Mas mabuti ang harapin ang katotohanang mas mabuti ang nakikita mo ng personal ang iyong kausap kesa virtual lamang.