Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Halos Kalahating Milyon na ang Nabakunahang sa Pilipinas

Ipinahayag ni National Task Force against COVID-19 Chief at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, na halos kalahating milyon na ang nabakunahan sa Pilipinas.
Nasa 23,107,813 katao ang nakatanggap ng first dose at 19, 023,958 katao naman ang fully vaccinated.
Hindi naman itinatanggi ng gobyerno na may mga ilan pa ring nagda-dalawang isip kung magpapaturok ng bakuna dahil may naririnig silang hindi magandang side effect na idudulot ng mga bakunang ibinibigay.  Subalit doble kayod ang pamahalaan sa pagpapakalat ng impormasyon na ang bakuna ay mabuting panlaban sa mabagsik na covid-19 virus.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagdating mga mga bakunang binibili ng pamahalaan mula sa COVAX facility at ang mga donasyon mula naman sa ibang bansa
Ayon sa datos ng DOH ay unti-unti nang nangkakaroon ng pagbagal ng pagkalat ng Covid-19 at may nakikita na silang pagbaba ng kaso ng covid 19.  Umaasa naman ang lahat na magtutuluy-tuloy na ito para mas lumuwag na ang restriction pagdating ng panahon ng Kapaskuhan.