Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

ECONOMIC OUTLOOK FOR 2021 TO 2022: Pagtanaw sa Hinaharap

Nagpahayag si Takashi Morisaki, ang Pangulo ng Mitsubishi Research Institute, Inc. ng kanilang economic measures at pananaw para sa buong mundo at ng bansang Japan base sa sitwasyon ng mundo sa ating kinakaharap na pandemya.

World economy

Ang pagbawi ng ekonomiya mula sa krisis na dulot ng coronavirus ay pabagu-bago dahil na rin sa iba’t ibang status ng infection sa iba’t ibang rehiyon at mundo. Walang kasiguruhan kung kailan talaga ang muling pagbabalik ng normal sa mundo ng ekonomiya.

Nagsusumikap ang mga ekonomista upang mapunto kung paano nila ibabalik ang “normal” na pagdaloy ng ekonomiya. Sa ngayon ay masasabi nating inconsistent ang daloy ng ekonomiya sa buong mundo, tataas at bababa o di kaya at steady dahil sa pagkalat ng nakakahawang mutant strains kaya kailangang maghigpit na naman ang bawat bansa ukol sa kanilang protocols.

Kung tatanungin, nagmamatyag ang lahat sa pagbabalik sa normal ng ekonomiya sa mga bansang Amerika at United Kingdom dahil ang pagbabakuna sa kanilang bansa ay tuluy-tuloy at malapit na nilang ma-achieve ang tinatawag nilang herd immunity sa lalong madaling panahon. At inaasahan nila ang unti-unting pagbabalik normal ng ekonomiya.

Japanese economy

Sa bansang Japan, kahit na malakas ang page-export ng produkto sa US at sa China, taliwas naman ang nangyayari sa kanilang domestic demand dahil bumaba ito bunsod na rin sa kanilang preventive measure para maiwasan ang pagkalat ng virus. Dahil dito ay nagkakaroon ng negative growth ang bansa.

U.S. economy

Ang ekonomiya ng US ay unti-unting tumataas dahil na rin sa patuloy na paga-administer ng bakuna sa iba’t ibang state ng US. Ayon sa resources ay malapit na rin nilang maabot ang tinatawag na herd immunity kung patuloy na magkakaroon ng tiwala ang mga tao na ang bakuna ay makakatulong upang hindi kumalat pa ang virus. Inaasahan ng gobyerno ng US na kapag naabot na nila ang herd immunity ay babalik na sa normal ang takbo ng ekonomiya at babalik na rin sa normal ang buhay ng mga tao. Naging madali ang unti-unting pagbangon ng US dahil nasa kanila ang mga bakunang ipinamamahagi ngayon sa iba’t ibang bansa para makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng iba’t ibang variants na galing sa covid-19 virus.

European economy
Ang ekonomiya naman sa Europa ay nakikita ang negatibo ang ekonomiya dahil na rin sa pabalik-balik na pagtaas pagbaba ng case ng coronavirus at ang kanilang itinuturong dahilan ay ang mabilis na pagkalat ng mutant variants. Inaasahan din nila tulad ng Japan at Amerika na ang paspasan ng pag-administer ng vaccines at maging booster shots ay magbibigay ng pag-asa para matigil ang pagkalat pa nito.

Chinese economy
Kumpara sa ibang bansa, ang bansang China ay nagke-claim na hindi man 100% na nakabalik ang kanilang ekonomiya ay masasabi nilang malapit na dun. Mga 90% ay nakabalik na ang kanilang economy sa kasagsagan pa rin ng pandemya.

Emerging economies
Para sa ibang bansa na nagkukumahog upang ibalik sa normal ang kanilang ekonomiya, tila nahihirapan pa rin sila dahil sa pagkalat ng iba’t ibang variant ng coronavirus virus na bigla na lamang lalabas habang hindi pa mapupuksa ang dating variant na kumakalat.
Nahihirapan din silang matamo ang herd immunity dahil sa pa-putul-putol na dating ng bakuna sa kanilang bansa. Isa na diyan ang Pilipinas. Pilit na bumabangon pero napipilayan dahil sa kakulangan ng bakunang dumarating. Sa kasalukuyan ay patuloy na dumarating ng paunti-unti ang mga donasyong bakuna mula sa Covax facility center upang ipamahagi sa mga Pinoy na nangangailangan ng bakuna.
Umaasa ang mga bansang tulad ng Pilipinas ay marating din nila ang herd immunity upang mapawi na ang kanilang pangamba at makabangon na rin ang kanilang ekonomiya.

MANAGING DIVERGENT RECOVERIES

Ang mga pandaigdigang prospect ay mananatiling walang kasiguruhan ngayong mahigit isang taon na nating nararanasan ang pandemya. Ang paglabas ng mga bagong mutation ng virus ay nagbibigay ng pag-aalala ng mga tao kahit marami na ang nabakunahan. Ang pagbabalik sa normal ng paligid ay hindi dapat i-base sa laban ng virus at bakuna, kailangan din tignan ang effectivity ng economic policy na inilalatag ng bawat bansa.

Ang paglago ng pandaigdigang ekonomiya ay inaasahan na umabot sa 4.4 na porsyento sa 2022. Sa kasalukuyan, ang inaasahan ng buong mundo upang mabawi muli ang ekonomiya ay bakuna. Maging pang-emergency o ang pagtuklas ng bakuna na lulusaw sa virus na Covid-19 ang pinakahihintay ng lahat para makabalik na ang buong mundo sa normal na aktibidades. Makakatulong ang malalaking bansa sa maliliit na bansa upang makabangon muli mula sa pagkakasadlak.

Pagbabago ng Business Environment
Sa bansang, Europa at Amerika, ay mataas ang vaccination activity at minamadali nila ito para mabigyan ng proteksyon ang mga tao laban sa covid-19 virus at upang maka-recover na rin ang ekonomiya ng bansa.
Ang malagong ekonomiya ay katumbas ng pagbabalik sigla ng pandaigdigang merkado na ang kasunod ay pagbabalik normal ng buhay.