Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of August 2021

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22-July 22)
Leo (July 23-August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 16, 30, 42, 52
Magiging masaya at makulay ang iyong lovelife sa buwang ito. Punumpuno ng pagmamahalan, bigayan at respeto. May posibilidad na ikaw ay lumagay sa tahimik at mukhang ito na ang magbibigay sa iyo ng walang hanggang kaligayahan at swerte sa hinaharap sa buhay.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 26, 33, 40, 43
Huwag magpadalos-dalos sa pagde-desisyon dahil ang isang maliit na maling pagpapasya ay magdudulot ng malaking problema. Pag-isipang mabuti ang bawat gagawin at sasabihin para hindi magkaroon ng pagkalito. I-focus ang sarili sa tamang daan at huwag malilito.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 6, 18, 26, 37
Panatilihin ang iyong ugaling pagiging mapagpakumbaba. Huwag mong hayaang umiral ang kayabangan. Matuto kang magkaroon ng self-control dahil ang pagiging mapagpakumbaba at mayroong pagtitimpi ay magbibigay ng daan para sa iyong magandang kinabukasan.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 8, 15, 27, 38, 47
Pakaiwasan ang makasakit ng kapwa at huwag magpadalus-dalos dahil magdudulot lamang ito ng iyong kapahamakan. Maging mapagtimpi para hindi makasira sa iyong pagkatao. Matutong makipag-kapwa tao dahil sila ang magdadala sa iyo ng swerte.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 15, 19, 38, 45
Ikaw ay likas na mapagparaya at maunawain kaya naman marami ang nagmamahal at nakakaunawa sa yo lalo na sa iyong personal na suliranin. May kasabihan nga na pagkatapos ng daluyong ay nariyan ang katahimikan. Huwag mabahala dahil kapalit ng tiwala ay lubos na kaligayahan.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Bloody Orange
LUCKY NOS: 4, 7, 24, 36
Huwag malumbay dahil kung anuman ang iyong nararamdamang sakit ay agad na mapapawi. Subukang maglakbay para malibang ang iyong isipan at ma-rejuvenate ang sarili. Maging masipag sa lahat ng aspect ng buhay para umasenso.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24-November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22-January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February 19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Peach
LUCKY NOS: 9, 16, 24, 39
Huwag mong hayaang lamunin ng selos at pagdududa ang inyong samahan ng minamahal mo. Mas mabuting maging open ang inyong komunikasyon at huwag hayaang magtagal ang kung anumang tampuhan.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Burgundy
LUCKY NOS: 4, 18, 24, 35
Huwag magulat sa matatanggap na balita. Maaaring tungkol sa trabaho o buhay pag-ibig. Hindi mo kailangang mag-panic at piliting maging mahinahon. Dapat mong ayusin nang maayos ang mga problema at magkaroon ng magandang ugnayan sa mga miyembro ng pamilya.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 11, 23, 39, 44
Huwag maging magastos sa anumang bagay. Matutong mag matipid at hindi kailangang gumastos ng malaki para lang magpagarbo o mapansin. Huwag pilitin kung hindi kaya dahil ikaw rin ang mahihirapan sa bandang huli. Ang maging natural ay sapat na upang ipakita mo sa kanila na ito lang ang iyong nakayanan.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 4, 16, 27, 31
Ikaw ay likas na maalalahanin at mapagbigay. Ito ang katangiang matutuklasan ng iyong lihim na itinatangi at ito rin ang maglalapit sa iyo sa kanya. Kung anuman ang saloobin mo ay ipagtapat mo na at magiging maganda ang resulta.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 4, 13, 30, 41
Ang iyong pagtitiyaga at pagpupunyagi ay unti-unti nang napapansin kaya maging matiyaga at masipag at sa larangan naman ng pag-ibig, magiging maganda rin ang kahihinatnan ng iyong pagtitiyaga.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 17, 24, 39,45
Iwasan ang maging magastos dahil may pagkakataong kakailanganin mo ang pera. Mas mabuting mag-ipon para may madukot sa panahon ng pangangailangan. Kailangan mong maging matapang at subukang ayusin ang lahat ng mga bagay sa iyong relasyon.