Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Milyun-milyon ang halaga ng Gintong Medalya ni Hidilyn Diaz

Tumagal ng 90 taon bago tayo muling nakakuha ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympic at ito ay courtesy ni Hidilyn Diaz ng weightlifting.

Nagbunyi ang buong Pilipinas at maraming bumati kay Hidi.  Bukod sa iba’t ibang donasyon at premyo na natanggap ni Hidilyn mula sa gobyerno at mula kay Pangulong Duterte mismo na nagkakahalaga ng 3 milyon, ang iba’t ibang sangay ng gobyerno ay nagbigay din ng premyo kay Hidilyn. Sa kabuuan ay mahigit sa 30 million ang natanggap ni Hidilyn bukod sa bahay at lupa na kasama sa kanyang pabuya.

Masayang-masaya si Hidilyn at hiniling niya rin kay Pangulong  Duterte na sana ay pagtuunan  ng pansin ng pamahalaan  sa pamamagitan ng pagsusuporta sa iba pang manlalaro sa pamamagitan ng financial at moral  support habang nasa training  para tumaas ang fighting spirit ng mga ito.