Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of April 2021

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22-July 22)
Leo (July 23-August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 26, 41, 23, 33
Maraming oportunidad ang naghihintay sa iyo kaya mag-focus kung alin ang importante na dapat mong unahin. Nakikita ang success na lumalapit sa iyo kaya piliin ang nararapat. Mayroon kang layunin kung bakit matiyagang naghintay ang pagkakataon na ito at ngayong dumating na ay maging smart sa pagpili. Lahat ng pagsubok ay malalagpasan kung matibay ang pananalig.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 23, 36, 49, 52
Maging matatag sa mga panahon na ito. Maraming hadlang ang bubungad sa iyong harapan kaya gawin mo ang nararapat para sa iyo. Iwasan ang mga bisyong alam mong hindi maganda ang maidudulot sa pagkatao mo at malapit ng dumating ang kaluwagan sa pananalapi.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Fuschia Pink
LUCKY NOS: 59, 12, 22
Maging malakas ang loob sa iyong trabaho. Huwag papatay-patay o mahiyain. Ibulalas kung ano ang saloobin at kung anong mga ideya mayroon ka dahil siguradong ikaw ay pakikinggan. Sa negosyo ay maswerte ka dahil dito mo rin makikilala ang iyong magiging kasama sa buhay.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 43, 26, 39, 51
Kung ikaw ay malusog sa pisikal, emosyonal, espirituwal at sa isipan, ito ay aakit ng kasaganahan sa buhay. Nakikita ang paglalakbay at darating na swerte kaya ipagpatuloy ang kung anong positibong ginagawa para walang maging hadlang ang pag pasok ng salapi sa iyong kaban.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Carnation Pink
LUCKY NOS: 53, 26, 49, 11
Nag-iisip ka ng negosyo at ang kagustuhan mong maisakatuparan ito ng masidhi. Gamitin mo ang lakas at tapang ng loob mo para maabot mo ang kung anumang pinaplnao sa buhay. Makisalamuha sa mga taong magbibigay daan sa iyong swerte at paglago ng kabuhayan.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Coffee Brown
LUCKY NOS: 36, 49, 53, 12
Hindi ka tamad. Ikaw ay super masipag na tao, kaya naman ang lahat ng iyong pinagpaguran ay hindi masasayang at may patutunguhan. Huwag mo lang isaisip ang manglamang ng kapwa at mangdaya, dahil ito ang magpapabagsak sa iyo.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24-November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22-January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February 19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Cherry Red
LUCKY NOS: 36, 49, 21, 1
Ikaw ay simpleng tao na may simpleng pangarap. Ang maging kontento sa kung anong mayroon ka ay isa sa positibo mong katangian. Ang kagustuhan mong simple at happy feeling ay iyong matatamo dahil ikaw na rin ang gumagawa nito. Hindi ikaw ang klase ng tao na mahilig sa luho. Darating ang panahon ay makakamtan mo ang tahimik at may kasaganahang pamumuhay.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 23, 46, 39, 55,
Magkakaroon ng linaw ang mga katanungan sa iyong isipan. Marami kang katanungan na hindi mo makuha ang sagot, dumating na ang panahon para maunawaan mo ang lahat ng mga dapat mong malaman, kaya dapat ay maging matatag ka.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 26, 49, 15, 51
Hindi man mabilis at ramdam ang usad pagong na kabuhayan mo ay hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asa dahil sadyang matiyaga kang tao. Malapit nang dumating ang panahon na matagal mo ng hinihintay na makamtan at makamit na walang hahadlang.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Electric Blue
LUCKY NOS: 36, 58, 11, 25
Ikaw ay masipag na tao kaya naman ang kasipagang ito ay magkakaroon na nag katuparan sa iyong mga pangarap. Ipagpatuloy mo lang ang dedikasyon mo sa trabaho at makikita mo ang success na iyong pinagpaguran sa buhay.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Orange Yellow
LUCKY NOS: 33, 46, 29, 53, 11
Kung bakit ang iyong pag-usad ay mabagal ay dahil na rin sa iyong pagiging mapili. Ang pag-asenso ay magiging mailap sa iyo kung paiiralin ang pagiging mapili sa trabaho. Dapat mong i-appreciate ang tulong na ibinibigay sa iyo ng iyong mga kasama dahil makakatulong ito sa yo.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Raspberry
LUCKY NOS: 23, 36, 49, 51
Ang kasaganahan sa buhay ay nakakamtan sa iba’t ibang paraan. Huwag makalimot sa mga taong tumulong sa iyo habang ikaw ay nagsusumikap pa lamang dahil sila rin ang mga taong makakasalubong mo sa bandang huli kung ikaw ay tatanda na. Matupad man ang pangarap mo at maging masagana ang kabuhayan, matutong maging mapagpakumbaba.