Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Tapa Frita

Ang Tapa Frita ay hiniwang manipis na baboy (parang tapa) at niluto sa tomato sauce, carrots, potato, pickles at cheese.

Sangkap:


800 g pork scotch (Pork Collar Butt), hiwain ng pahabang (strips)
1 malaking patatas, hiwaing manipis at pahaba
1 malaking carrot, hiwaing manipis at pahaba
225 g latang green peas
3 kutsarang pickle relish
1/2 tasang grated processed cheese pang-topping
1 katamtamang laki ng sibuyas na pula, hiwaing pa-diced
2 tasang chicken stock
1/2 tasang tomato paste
3 malaking kamatis, hiwaing pa-diced
6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
2 pirasaong bay leaves (dahong laurel)
1 kutsaritang kinuskos na dahon ng basil
paminta
patis
mantika

Paraan:


1. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay ang baboy at lutuin hanggang magkulay brown ito.
3. Idagdag ang chicken stock at dahon ng laurel (bay leaves). Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
4. Ilagay ang patatas, carrots, kamatis, pickle relish, grated processed cheese, basil at tomato paste.
5. Pakuluin sa loob ng 15 minuto sa katamtamang init ng apoy.
6. Ilagay ang green peas at pakuluin sa karagdagang 5 minuto.
7. Lasahan ng patis at paminta. Ilagay ang grated processed cheese sa ibabaw at ihain.

Recipe credit www.angsarap.net