Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Women take front and center in GMA’s programs for the Kapuso abroad this March

Bilang pagpupugay sa buwan ng mga kababaihan ay naghandog ang GMA Network kasama ang kanilang GMA International channels – GMA Pinoy TV, GMA Life TV, and GMA News TV ng ibang shows at news and documentaries na nagbibigay pagpapahalaga sa mga kababaihan.

Ang mga bagong shows ng GMA Pinoy TV para sa primetime ay ang “First Yaya.” Ang award-winning actorna si Gabby Concepcion na gaganap bilang si President Glenn Acosta at ang magandang actress na si Sanya Lopez ang gaganap na Yaya Melody ang magtatambal sa unang pagkakataon sa highly anticipated romantic comedy series na ito.

Ang success ng one-of-a-kind drama anthology “I Can See You” ay magkakaroon ng second season at siguradong marami ang naghihintay dito. Ang “I Can See You: On My Way To You” ay pangungunahan ng dalawa sa talented stars ng GMA Network na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, kasama rin sina Arra San Agustin, Gil Cuerva, Malou de Guzman, Ashley Rivera at special participation si Richard Yap.

Sina Rita Daniela at Ken Chan naman ay magtatambal muli sa bagong nilang teleserye ang “Ang Dalawang Ikaw” kasama ang pinaka-promising na si Kapuso star Ana Vicente.

Ang mga viewers naman across the globe ay magkakaroon din ng pagkakataon na mapanood ang bagong documentary program na nagbibigay pagkakataon sa mga tao na ilahad ang kanilang experiences upang magbigay inspirasyon sa mga televiewers. Ito ay ang “Stories of Hope.”

Ipapalabas din ng GMA Pinoy TV ang “The Atom Araullo Specials: Gutom Sa Pandemya,” na ita-tackle naman ang sitwasyon ng Pilipinas sa nakaambang kagutuman na dulot ng pandemya at kung paano nagsu-survive ang mga Pinoy.

Sa kabilang banda, GMA Life TV naman ay magpapalabas ng mga programang magbibigay pugay sa kababaihan sa pamamagitan ng “Tunay na Buhay” kung saan itatampok ang piling kababaihang artista tulad nina Kapuso personalities na sina Alice Dixson, Glaiza de Castro, Kara David, at Iya Villania. Itatampok din sa iba pang programa ng GMA Life ang iba’t ibang GMA 7 talents tulad nina Bianca Umali para sa “Banal,” Sanya Lopez para sa “Wild and Free”; Kyline Alcantara sa “Black Lipstick”; at Barbie Forteza’s para sa “Laut”.