Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Specialty Donburi

Since Donburi na rin ang ating pinag-uusapan, narito ang ilang mga listahan ng mga Donburi chain kung saan makakahanap ng iba’t ibang donburi specialties at kung saan ito matatagpuan:

Photo from instagram @toshihiromorita

1. Ikura don – Ang klase ng rice bowl na may toppings na ikura o salmon roe (orange pearls ang hitsura). Ito ay popular na tinatawag ng karamihan na “The Rice Bowl That Makes Every Night Caviar Night.” May kaunting kamahalan pero worth it naman. May mga shops kung saan nagsisilbi ng kanilang iba’t ibang specialty ng Ikura-don. Ang Larch family (Ginza), ang ikura-don na mukhang pudding dahil umaapaw ang ikura sa ibabaw ng kanin, “Boat Meat” kung tawagin ng mga turista at regular customers.

Irorika Higashi Ginza:

Address: Tokyo-to, Chuo-ku Ginza 3-11-11 Ginza Osaka Bunkyo 2 B 1
Tel.: (03) 3547-7901
Business Hours: 18:00 ~ Next 4:00 (Monday – Friday)
17:00~23:00 (Saturdays, Sundays and public holidays)

Photo from Instagram @anton_min

2. Chuka don – Popular na Japanese fast food dish. Ang sangkap nito ay stir-fried vegetables, onions, mushrooms at manipis na hiwa ng karne na inilalagay sa ibabaw ng kanin. Ang sauce nito ay medyo malapot na tinawag na “Chinese rice bowl” dahil nahahawig sa lutong Intsik. Maraming lugar kung saan matatagpuan ang Chinese inspired specialty ng Chuka don. Ang “Otome” ay palaging punuan. Bukas ng tanghali, gabi at mayroon din mga private rooms na nakaka-accomodate ng mula anim na katao at pang parties ng kumpanya. Ang kanilang “Chinese don bowl” specialty ay fried salted shrimp na may iba’t ibang gulay.

Otome:
Address: Tokyo-to, Bunkyo-ku Nezu 2-14-8
Tel.: (03) 3821-5422
Business Hours: 11: 30 ~ 21: 00 (Last order)
Closed: Wednesdays (Average budget: ¥ 1,000 to ¥ 1,999)

 

 

Photo from Instagram @majimash

3. Yakitori don – Isa sa popular na Japanese dish ay ang Yakitori don kung saan ang chicken ay ibinabad sa ginger at rice wine na maaari rin gamitin sa isda at karne. Ito ay masarap inihahain sa ibabaw ng mainit na kanin o noodles.

Toritama:
Address: Tokyo-to, Minato-ku, Shirokane 6-22-19
Tel.: (03) 5795-2950
Opening hours: 5.30 pm – 1 am
Closed: Sundays (open Sun, closed Mon when Mon is a holiday)
Transport: Hiroo Station (Hibiya line), exit 1 or 2

Photo from Instagram @kakomon0928

4. Oyako don – Ang klase ng Japanese rice bowl dish na may chicken, egg, sliced scallions o minsan regular na sibuyas at iba pang karagdagang sangkap na pinapakuluan na may soy sauce at sabaw at ilalagay sa ibabaw ng mainit na bowl ng kanin. Ang Oyako don ay isa sa specialties ng Nakau. Ang Nakau ay popular na Japanese fast food restaurant chain na may 470 outlets na matatagpuan sa Tokyo at Osaka.

Nakau
Hours: 24 hours / 7 days a week
Nakau ticket machines have English interfaces

Photo from Twitter @hmarashi125

5. Buta don – Klase ng bowl of rice na may pinakuluan sa medyo matamis na sauce at inilalagay sa ibabaw ng mainit na bowl ng kanin. Ang Buta don ay nag-originate sa siyudad ng Obihiro, Japan.

Buta no yaro (1 minuto mula sa Ochanomizu Station)
Address: Tokyo-to, Chiyoda-ku, Kanda 2-6-15
Tel.: (03) 3219-9322
Budget: small pork bowl ¥480, medium pork rice bowl ¥680, big pork rice bowl ¥l,880

Donburi Chain

Ang popular na Donburi ay may iba’t ibang specilaties at iba’t ibang chain of stores kung saan matatagpuan sa buong Japan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *